Kabanata 5

282 14 0
                                    


Ang kinakatakutan ko nga ay tuluyan nang nangyari. Alam na ng ilang kapitbahay at kakilala ang paghihiwalay namin ni Simon. Ang malala pa, lahat sila'y tila awang-awa sa akin!

Aling Carmen visited me to confirm it because she didn't even believe it at first. Wala raw kasing sinasabi sa kaniya si Simon.

"Oh, Winona. Pagpasensyahan mo na ang anak ko," malambot niyang tinig habang yakap-yakap ako.

Narito kami sa aking silid dahil ayokong lumabas. Mas lalo akong nabigyan ng dahilan para 'di na magpakita sa mga kapitbahay. Kahit naman kasi ipakita nilang parang wala lang ay tiyak kong pinag-uusapan ako ng mga 'yan 'pag nakatalikod na ako.

"A-ayos lang po, Aling Carmen... ayaw na po talaga niya eh," garalgal kong tinig.

Naiinis na rin ako sa aking sarili. Ilang beses na akong sinasampal ng katotohanan pero sumisige pa rin ako.

"Hinihiling kong sana'y malimot mo rin agad ang sakit." Hinaplos niya ang aking buhok at bahagya akong pinakatitigan. "Aasahan pa rin kita sa aking kaarawan. Huwag mo sana akong biguin."

"P-pero Aling Carmen—"

"Shh... maputol man ang ugnayan n'yo ni Simon ay hindi ang atin. Punta ka ha?"

Hindi na ako tuluyang nakapagsalita nang tumayo na siya at binigyan ako ng isang yakap bago umalis.

Her birthday was on Thursday while the wedding we would attend was on Friday. Gustuhin ko mang huwag dumalo ay ayoko namang biguin si Aling Carmen. Besides, it gave me a little pride. What Aling Carmen and I had was what Cresencia couldn't beat. She might soon be close to Simon's mother but at least, I was the first, right?

Habang hinihintay ang tamang araw ay 'di muna ako muling lumabas sa aking silid. Saka na lang ako nagpapakita sa labas kung kinakailangan. And I was questioning myself... hanggang ganito na lang ba ako?

Thursday at one in the afternoon and I was on my way to Simon's house. Wala pang mga tao dahil tiyak na mga alas-tres o alas-kuwatro ang pagdating ng mga ito. I knocked to their open door before I went inside; feeling at home like I used to.

Bumukas ang silid ni Simon at kita ko siyang bagong ligo. Napalunok ako ng laway habang nakatitig sa kaniya. Kahit kailan ay nakakahumaling siyang titigan.

Napatigil siya sa pagpunas ng basang buhok nang makita ako. "Winona," sambit niya at agad itinago ang pagkagulat. "Nandito ka pala."

Huminga ako nang malalim bago tumango. "Inimbatahan ako ng Mama mo. Siguro naman ay ayos lang na nandito ako?"

Kumunot ang kaniyang noo nang mapatitig sa akin. Muling nagwala ang aking dibdib. "Syempre naman ay ayos lang. Tutulong ka sa pagluto?" kaswal niyang patuloy.

Tumango na lang ako bago diretsong pumasok sa kanilang kusina. Naninikip ang dibdib ko sa kaswal niyang pakikipag-usap sa akin ngunit isinawalang bahala ko na lang iyon. Ang mahalaga ay welcome pa rin naman ako rito.

Bumungad sa akin si Aling Wendy, kapatid ng yumaong ama ni Simon, si Sheila na anak nito at si Aling Carmen na abala na sa pagluluto.

"Maligayang kaarawan, Aling Carmen," nakangiti kong pagbati at saglit siyang niyakap.

"Buti naman at tumuloy ka, Winona!" nagagalak niyang sambit.

Saglit kaming nagkumustahan nina Aling Wendy maging ni Sheila bago na ako nagsuot ng apron para tumulong sa pagluto.

Like expected, people started coming when the clock hit four in the afternoon. Tuluyan na kaming nilamon ng katahimikan maliban sa ingay ng aming pagluto. Simon went out to arrange the chairs while we were left in the kitchen.

Smoldered PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon