Chapter 20

23.4K 645 54
                                    

NAWALA LAHAT ng kaba at mga negative thoughts na naiisip niya sa magiging pakikitungo ni Caleb sa kanya bago sila umuwi sa Pilipinas. She was surprised when he kissed her and says it's enough for him that she's back.

And now, Caleb became extra sweet that he already was. They're inside the Lust community and having a chaotic lunch, nakakandong siya kay Caleb kahit may extra na upuan para sa kanya.

"Woah, I didn't know you can act like that. Caleb, ikaw ba talaga 'yan?" Kunot na kunot na tanong ni Isabella kay Caleb nang sipain nito ang extrang upuan na ibinigay sa kanya. She pursed her lips and bowed her head.

Avis knew how brat he can be. She mastered all his mood swings before hand.

"Count us in." Sabay sabay na sabi ng mga kasama nila sa hapag.

"He's rude." Killian said, natawa siya nang sikuin ito ng asawa. Krizzia's baby bump was now visible. Sa tingin niya ay magiging matanda lang ng ilang buwan ang anak nito sa anak niya.

She's pregnant. She used a pregnancy test while Caleb's peacefully sleeping. Hindi niya muna pinaalam. She changed her mind. Avis thought that it would be better if she changed their label first before telling him about her pregnancy.

"Frances, paki abot naman ako nung crab paste." Suyo niya kay Frances na siyang malapit sa pagkain na gusto niya.

Frances handed her the whole small jar and she grabbed Caleb's spoon. Not minding the ladies who's eyeing her and her every move.

"Avis, that's enough." Bawal sa kanya ni Caleb pero hindi siya nakinig. Itinigil niya ang pagpapak dito at kumuha siya ng kanin at inihalo doon. He sighed and let her eat as long as she wanted.

"Can't we have a normal lunch? Or dinner? Para kayong mga bata! Ang daming pagkain na niluto ni Yves bakit kayo nag-aagawan?!" Isabella yelled.

Avis stop eating and saw the men looking at each other. Napatigil ang mga ito, punong puno ng pagkain ang mga bibig. Esel was getting a food on Mikael's plate, si Mikael naman ay kumukuha kay Castiel, and Castiel to Kade and so on and so forth! Even Caleb was doing the same thing to Killian!

"Oh? Bakit kayo tumigil? Takot kayo no?" Nakangising tanong ni Shawn sa mga ito. "Tarantado niyo." Pahabol pa nito.

"Isabella, ikaw ang pinakamatagal na sa amin dito. Hindi ka pa ba nasanay sa mga patay gutom na 'yan?" Angelyn asked, she's like an Angel because of her soft voice.

"May point si Angelyn, Darling. Hindi ka pa ba sanay sa amin?" Jyrelle, Isabella's husband butted in.

Kumunot ang noo ni Isabella sa asawa. "Ha? Ano sinasabi mo? Hindi ko narinig. Paki ulit?"

"Hindi ka pa ba sanay sa amin, Mia Bella?" Jyrelle sweetly asked again and handed her her favorite drink. Honeydew milktea.

Agad na lumambot si Isabella at parang walang nangyari na bumalik sa pagkain. Caleb and his friends were back in chaos again. Hinayaan nalang nila at kumain ng matiwasay. They even separated themselves, siya lang ang hindi makahiwalay dahil ayaw siyang pakawalan ni Caleb. She pouted her lips and wanted to sit beside Frances. She looks so cute while eating, gusto niya itong panoorin sa malapitan.

"Caleb? Can I sit beside Frances?" Paalam niya rito.

Caleb raised his brow and glance over Frances peacefully eating while her husband was trying her hair. Para siguro hindi kumalat sa buhok nito.

"Hindi ba komportable rito?" Caleb softly asked. She nod her head as answer. "Okay, go sit beside her." Pagsuko nito. Agad siyang kumuha ng upuan at tumabi kay Frances.

LCS 9: Caleb Carson (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon