| MIKAEL RENMARR VARZON |
***
"PASENSYA ka na sa anak kong 'yon, ihjo," tita Dara, Laviña's mother said.
I just smiled and nodded at her. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging asta ni Laviña. She seemed irritated about my presence and obviously about me sending her flowers. Pumasok siya sa kanyang kwarto dahil wala siyang balak na kausapin ako. It stung a little bit and I don't know why. I felt sorry too for disturbing her, dahil mukhang 'yon ang naging dating ko para sa kanya.
I sighed and stood from sitting on the couch, planning to leave. Nilingon ko ang mga magulang niya na ngayon ay nasa akin ang mga mata.
"I'll go ahead na po-"
"Huh? Bakit?" agad akong pinigilan ni Tita.
They looked strict and kind at the same time. Nakausap ko na silang pareho bago pa dumating si Laviña ngunit saglit lang 'yon dahil nakauwi agad siya. I told them my intention why I'm doing this... I want to court their daughter and they seemed okay about it.
"Baka po kung ano ang mangyari sa 'kin kapag nagtagal pa ako," makahulugan kong sinabi pero hindi ko naitago ang kaba sa boses ko.
Laviña has this air that makes me so damn nervous. They way she stared at me in irritation gave me chills, creased brows and lips in a grim line. Para bang kapag inubos ko ang pasensya niya ay masasaktan talaga ako.
"Ano ka ba! Mabait 'yong anak ko! Hindi lang talaga niya inaasahan ang pagpunta mo. Umupo ka muna."
Wala akong nagawa kundi ang umupo ulit. Nakaupo si Tito sa sofa na nasa harapan habang si Tita naman ay nanatiling nakatayo at umasikaso sa 'kin.
"Anong nagustuhan mo sa anak ko, ihjo, at naisipan mong manligaw sa kanya?" marahan na tanong ng ama ni Laviña.
Napabaling ako sa kanya at napaisip sa kanyang sinabi. Ano nga ba ang nagustuhan ko sa isang 'yon?
"Hindi tulad ng mga mahihinhin na babae ang anak ko... Sigurado ka ba sa nararamdaman mo o dahil nararamdaman mo lang 'yan dahil minsan ka niyang niligtas sa sunog?" ngumiti siya, halos namana lahat ni Laviña ang features ng kanyang ama.
Kumalabog ang dibdib ko at hindi nakapagsalita. Hindi ko alam ang dapat na sabihin at kung ano ang dapat na maramdaman.
"Ana ka ba, Leo! Tigilan mo na ang pagtatanong sa bata. Ito oh, album 'yan... Pwede mong tingnan habang hinihintay natin ang anak namin na lumabas."
Tinanggap ko ang album na inilahad ni Tita. Makapal 'yon at may kung ano anong disenyo. Sinimulan kong buklatin 'yon at nakita ang isang mataba na bata, nakanguso at nakakunot ang noo habang nakatitig sa camera. Wala sa sarili akong napangiti nang mapagtantong si Laviña 'to. May date na nakalagay sa baba ng litrato at mahahalata ang kalumaan nito.
"Isang taon si Laviña d'yan... Bugnutin at laging iritado. Ayaw magpakuha ng litrato kaya nakabusangot," nakangiting sinabi ni Tita habang nakatitig din sa picture.
Muli kong binuklat ang album sa kabilang page. Nakasuot ng isang kulay pink na toga si Laviña sa litrato at gaya sa naunang picture ay nakabusangot din siya rito.
Narinig kong humalakhak si Tito na parang inaalala ang nakaraan pero hindi ko nagawang alisin ang paningin sa litrato.
"Kinder siya d'yan at nakapila sila sa harap ng stage, masama ang tingin at iritado dahil naiinitan na siya at tinamad na tumayo," kwento ni Tito.
"She's so cute..." wala sa sarili kong sinabi. "She always wear this kind of expression."
Tumango silang dalawa. "Nagmana sa kanyang Tita na nasa Amerika," sabi pa ni Tita.
YOU ARE READING
Embracing The Fire | Fire Series #1
RomanceSunog. Isang pangyayaring tumatak sa isipan ng isang lalaki. Lalaking muntik nang mawalan ng buhay kung hindi lang pinigilan ng isang babae. Ngunit... Nakaligtas nga ba siya... o ang babae na 'yon mismo ang sunog na walang pag-aalinlangan na bumabag...