Chapter 34

161 1 0
                                    

LAVIÑA ANESSA GASOLINA

Tatlong araw ang lumipas na naging malamig ang trato ko sa aking sariling ama. Kilala niya ako. Alam niyang galit ako sa kanya dahil hindi niya sinabi sa 'kin ang kalagayan ni Mama kaya wala siyang nagagawa minsan kundi ang tingnan lamang ako at tumahimik.

Kahit na tuwing binibisita ko si Mama, hindi siya sumisingit sa usapan at kaswal ko lang na kinakausap.

Sobrang nangangayat si Mama nung siya'y aking dinalaw. Namumutla at minsan tuwing kausap ako ay bigla na lamang siyang nahihirapan sa paghinga. Umiyak si Mama habang humihingi ng tawad sa ginawang paglihim sa 'kin. Hindi ko magawang umiyak habang pinagmamasdan siyang ganoon. Ang gusto ko lang ay gumaling siya. Wala ng iba.

Galit din ako sa sarili ko kung bakit isinawalang bahala ko ang mga napapansin kay Mama. I should have known better. Babalik lang ako sa dati kapag siguradong ayos na si Mama.

Lumabas ako sa kwarto ni Mama at nilapitan ang naghihintay sa 'kin na si Mikael. He's wearing a formal attire, mabango, nakaayos ang buhok at ang tindig ay maayos nang tumayo siya para salubungin ako.

"How's your Mom?" nag-aalala niyang tanong.

Pinagmasdan ko ang kulay itim na itim niyang mga mata. Nakatitig siya sa 'kin at bahagyang bumaba ang tingin sa katawan ko. Napatingin tuloy ako sa suot kong uniporme naming mga bumbero.

"I need to go. We received a report. May nasusunog, kailangan kong bumalik sa planta." mabilis kong sinabi bago tumakbo at iniwan siya.

Tumalon ako sa aking motor at agad itong pinaharurot papunta sa planta. Naghanda kaagad kami at mabilis na sumakay sa fire truck. Inaksyonan namin ang bahay na nasusunog at parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang katawan ko dahil sa pagod matapos ang trabaho.

Gabi na nang makalabas ako sa planta, bitbit ang aking malaking bag at papunta na sa motor ko. Nagpaalam ako sa mga kasama ko bago pinaandar ang motor pauwi sa bahay.

Kinausap na ako ni Lea nung isang araw. Sabay din naming binisita si Mama sa araw na 'yon. Hindi niya mapigilang maging emosyonal at umiyak habang kasama si Mama. Wala akong maramdaman. Kung meron man ay hindi ko pinapansin. Bakit ako iiyak kung gagaling din naman siya?

Iyon ang iniisip ko habang pauwi ako sa bahay. Hindi ako paladasal na tao pero araw-araw kong pinagdadasal ang kalagayan ni Mama at ang trato ko sa aking sariling ama. I can't just force myself to be okay being with my father. Nasasaktan ako at galit sa kanya.

Natanaw ko ang kotse ni Mikael na nakaparada sa harapan ng aming bahay. Bumaba ako sa aking motor at hinubad ang helmet. Tsaka ako naglakad papasok sa bahay.

Nandito nga si Mikael. Siguro'y kasama niya si Papa sa loob. Naabutan ko si Mikael na naghahanda ng pagkain sa malaki naming lamesa. Nilagay ko ang helmet sa center table at lumapit sa kanya.

Naramdaman niya ang presensya ko kaya isang beses na sulyap ang iginawad niya sa 'kin. Nakatupi hanggang siko ang kanyang suot na white long-sleeve habang ang kanyang itim at mahahalin na coat ay nakasabit sa isa sa mga upuan.

"Kakaalis lang ng Papa mo," aniya.

Pumamewang ako sa harapan ng lamesa at tinangoan ang sinabi niya. Patuloy siya sa pag-aayos sa kakainin namin habang naaamoy ko naman ang bango ng adobong manok na niluto niya.

"Nagluto ka na naman?" tanong ko.

Hindi ito ang unang beses na ginawa niya. 'Magkaibigan' kami kaya niya ito ginagawa sa 'kin. Kagabi ay kasabay pa naming kumain si Papa. Alam niyang hindi kami maayos ni Papa kaya buong dinner kagabi ay tahimik lang.

"Sit down and eat. Dadalhan pa natin ang Papa at Mama mo nito sa ospital pagkatapos." aniya.

Hindi ko mapigilan ang sariling taimtim siyang pagmasdan. He's my 'friend' but I knew his feelings towards me. Pero hindi naman masama ang intensyon niya.

Embracing The Fire | Fire Series #1Where stories live. Discover now