Chapter 17. Meet the Model

21.3K 544 9
                                    

Makakahinga na ako dahil bumaba na ang lagnat ng apat. Mabuti na lang at dumating si Juniver sa tamang oras dala ang mas matapang na antidote. Isang gangster din ito na underlings ng Fearless Five Gang. Minsan na lang daw ito dumadalaw sa Dark Ground dahil busy ito sa larangan ng medisina ngayon.

“Sa wakas nakilala ko rin ang babae ni Phoenix” Nakangising sabi sa akin ni Juniver.

What the fuck? ? ? Gago talaga ang mga gangster na ‘to noh. Babae talaga ang term? Girlfriend po ako! Girlfriend! Aish! I don’t care kung pangbakla yun na term.

Napansin niya marahil ang sama ng tingin ko sa kanya kaya lalo siyang ngumisi.

“Maganda ang taste ni Phoenix ha” Sabi nito at tumayo. Lumapit siya kay Third at nagpaalam na umalis na.

“Salamat talaga Juniver! Pasalamat ka at nandito ang babae ni Phoenix kung hindi ay mananatili ka rito hanggang sa magising sila.

Urrghh! Ayan na naman! Babae naman! Oo na! Ako na lang ang bakla!

Tinawanan ako ng dalawa dahil hindi maipinta ang mukha ko sa sobrang badtrip sa mga gangster na ‘to.

Isang oras pagkatapos umalis ni Juniver ay gising pa rin ako. Nandito ako sa tabi ni Xien at nagbabantay sa kanya. Hinawi ko ang buhok niya na tumatakip sa kanyang noo. Ang gwapo talaga ng singkit na ‘to. Sarap gahasahin! Napangiti ako sa iniisip kong kalokohan. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pumikit.

“Hannister” Nagising ako nang yugyugin ni Third ang aking balikat. Minulat ko ang aking mga mata. Mataas na ang sinag ng araw at nagulat ako ng makita ang wrist watch ko, 11:30 na pala.

“Maglunch ka na sa baba, okey na din naman sila” At iniwan na ako ni Third kahit hindi pa ako sumasagot sa kanya.

Tumayo ako at tiningnan ang natutulog na mga lalaki sa harap ko. Kilala ko na silang lahat sa likod ng kanilang maskara; si Xien bilang Phoenix, Fritz bilang Puma, Third bilang Shark, Chokie bilang Wolf at Yue bilng Scorpio. Pinatawag ako ni Third kahapon para tumulong sa kanila dahil ayaw nilang malaman ng ibang mga tauhan nila ang nararanasan ng Fearless Five Gang. Hindi daw sila pwedeng maging mahina sa harapan ng mga tao. Napangiti ako. Mabuti naman at pinagtitiwalaan nila ako ngayon.

Lalabas na sana ako nang narinig kong umungol si Fritz. “Uhhmmm”

Nilapitan ko ito agad at hinawakan sa noo.

“Fritz? Fritz okey ka lang?” Tanong ko sa kanya na puno ng pag-aalala. Hindi ito sumagot at umungol pa kaya huminahon na rin ako.

I yawned. Antok pa rin ako. Gabi na ako natulog at halos 5:30 na ng madaling araw kami nakapagpahinga kanina.

“Sige, 5 minutes lang” sabi ko sa aking sarili at yumuko sa kama ni Fritz.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Where stories live. Discover now