Chapter 48. Aroma of Death

15.7K 403 13
                                    

Hannister POV



Tatlong araw na akong nagmumukmok sa kwarto. Hindi na rin ako pumapasok sa school pansamantala. Ganito nga siguro kung graduating, tinatamad ng pumasok.

Naglog-in ako sa fb ko. May fb naman ako kahit papaano pero 47 friends lang ang nasa friend's list ko, mga piling kaibigan at classmates ko sila. Ayokong tumanggap ng FR ng hindi ko kilala.

Napangiti ako profile pic ko. Kuha iyon ng monthsary namin, pareho kaming nakangiti ni Xien. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kung ilang likes iyon. Ayoko ring maniwala pero 102, 367 likes. May mga comments pa nga ng mga taong nakakatakot ang mukha. Mga gangsters siguro sila at ang iba ay feeling gangsters. Natag ko si Xien sa photo at ang mas masaklap ang timeline niya kasya sa akin, walang ni isang update. Ang profile pic niya ang isang black Phoenix. Tsk. How boring. Walang kataste-taste ang fb ni Singkit. Naglog-out na lang ako nag mabasa ang mga comments ng girl fans ni Xien. Ang lalandi masarap patayin!

"Hai" Napabuntong hininga ako at yumakap sa unan.

"Ma'am you're dinner is here" Sabi ng maid pagkatapos kumatok sa pintuan ilang sandal.

"Come in" Sigaw ko dito pero hindi siya pinansin. Nilapag lang nito ang pagkain sa table sa unahan ng kama at nagpaaalam na rin.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at tinitigan ang pagkain. Tatlong araw na rin akong naghuhunger strike pero la epek kay Daddy. Tumayo ako at nanood na lang ng tv.

Pagkaraan ng isang oras, napaiyak ako sa aking pinapanood. Sky of love, Japanese movie.  Namatay kasi yung lalaki! Nakakabwisit! Gwapo pa naman.

Tumawag ako kay Dea at sinagot niya naman agad ito. Mabuti na lang at hindi kinuha ni Daddy ang phone ko. Wala din naman kasing magagawa ang mga kaibigan ko sa aking sitwasyon maliban sa aking best friend.

"Best?" Si Dea.

"Best favor naman oh, please?" Ginandahan ko ang aking pakikiusap sa kanya.

Ilang sandali ay nasa highway na kami. Ang galling talagang magtakas sa akin ni Dea sa bahay ng Black Mafia! Idol! Para lang assassin sa tv ang mga moves niya.

"Best ha isang oras lang" Nagpout si Dea sa harap ko. Ang cute niya tuloy! Naki-usap kasi ako sa kanya na gutso ko sanang makipagdate kay Storm dahil nalulungkot talaga ako. Pero dahil hindi niya alam kung saan ang Dark Street ay hiniraman niya ako ng big bike sa pinsan niya.

"Oo naman best! Salamat talaga!" Niyakap ko pa siya ng mahigpit dahil sa sobrang katuwaan.

I started the engine and nodded at Dea before flying into the road. Then suddenly lumilipad na nga ako sa highway. Gabi na kaya walang sasakyan at walang asungot. Alam ko mali ang ginagawa kong ito, hindi dapat magdrive kapag may nararamdamang matindging emosyon. But I can help it! Nasasaktan talaga ako.


When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Where stories live. Discover now