Chapter 39. Her Only Prince

16.6K 442 7
                                    

"Xien!" Malakas na sigaw ko sa labas ng umaapoy na arena ng Dark Ground. Kinana pa ako hindi mapakali sa kaiisip sa kalagayan ni Xien ngayon.

"Xien!" Muli kong sigaw sa pangalan niya. Wala akong pakialam kung may makarinig man sa totoong pangalan ni Phoenix. Gusto ko siyang tawagin sa totoo niyang pangalan sa mga oras na ito.

Napaiyak ako sa dismaya nang walang sumagot sa akin. Ang mga gangster na naririto ay nag-uunahan sa pagsakay sa mga sasakyan nila para iligtas ang kanilang mga sarili.

*boooooom*

Isa na namang pagsabog!

"Ahhhhh!" Napasigaw ako ng may taong yumakap sa akin para hindi ako mataman ng mga konkretong parte ng arena na humahagis dahil sa pagsabog.

Ngayon ko lang naisip na pati ako ay hindi rin ligtas dito. Tinulungan akong makatayo ng lalaking nagligtas sa akin. Nagulat ako nang harapin siya. May pulang maskara ito at duguan ang katawan. May laban ito marahil sa Dark Ground pero naantala dahil sa pag-atake ng Black Mafia.

"Okay ka lang?" Tanong nito na puno ng pag-aalala ang boses.

"Oo, salamat sa pagligtas sa akin" Magalang kong sagot sa kanya at binigyan siya ng isang ngiti.

Nagulat ako nang may kamay na humawak sa aking braso at inilayo ako sa lalaki. Mas nakakagulat pa ay niyakap niya ako sa duguan niyang katawan! Yuckie!

"Xien!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang maskara ni Phoenix.

"Bakit nandito ka?!" May bahid ng galit sa kanyang tono pero sinundan din iyon ng pag-aalala nang makitang nakatutok ang mga mata ko sa kanya. "Are you alright?"

Tumango lang ako bilang sagot. Mabuti naman at ligtas silang lahat. Nasa likuran niya ang ibang Fearless Five Gang.

Lumingon ako sa lalaking nagligtas sa akin para muling magpasalamat ngunit hinila na ako ni Xien palayo uli.

"Teka, yung lalaki" Pigil ko dito ngunit hindi niya ako pinansin. "Xien!" Nagpumiglas ako sa kanya at bumitaw sa kanyang paghawak sa kamay ko.

"Sumunod ka na lang Hannister, hindi mo kilala ang lalaking iyon" Napatingin ako kay Chokie  dahil sa kanyang sinabi.

"Pero niligtas niya ako!" Sinubukan kong ipagtanggol ang lalaking may pulang maskara. Tumigil silang lima at hinarap ako.

"It's doesn't stop him from being our number one enemy Hannister" sabi ni Third pero hindi ko maintindihan ang nais niyang ipahiwatig. Nauna na itong lumakad kasama sina Minyue, Chokie at Xien.

"That was Dagger, leader of Blood Gang, the mortal enemy of Fearless Five Gang" Sabi naman ni Fritz at sa wakas ay nagets ko na rin.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Where stories live. Discover now