Chapter 28. Mafia Jewel

20.7K 487 5
                                    

Xien POV


Tumango ako  bilang sagot kay Hannister. Bakas sa kanyang mukha na hindi niya nauunawaan ang aking mga sinasabi. Ngunit pinili niya pa ring tumahimik kasya magtanong.


Lumayo ako sa kanya at umupo sa sofa na harap ng kama. Sumunod siya sa akin at umupo sa pang-isahan silya. Tumingin siya sa akin at kitang-kita sa kanyang mga mata ang mga tanong na hindi niya masabi-sabi.


"Sa Mafia, dalawa ang pwedeng maging kapalaran ng mga babae. Isa ay bilang tagapagmana ng organisasyon. Katulad ni Grace, sasanayin siya maging malakas, mabagsik at mapanganib. Magiging malupit at sakim siya para mahawakan ng husto ang Mafia nila. Walang lugar ang kabaitan sa mundo namin Hannister, kaylangan ang parusang kamatayan kung kailangan."


Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko. Tsk. Ilang beses ng may patayan na nagaganap sa harapn niya pero parang hindi pa rin siya sanay sa usapang ito.


"Pangalawa ay ang maging pinakainiingatang yaman ng pamilya. Being a Mafia Jewel is so different than being a Mafia Princess"


Napakunot ang noo niya sa huli kong sinabi. Napangisi tuloy ako. Interesado siya sa kwento ko. Fuck! Ayoko sanang magdaldal sa babaeng ito pero something is telling me to explained some matters to her.


"Gaya ni Alessa, ang mga Mafia Jewels ay nilalayo sa panganib. Hindi sila sinasanay sa pakikipaglaban o ano pang mga karahasan. Normal ang kanilang pamumuhay gaya ng mga ordinaryong tao. They have their own protectors for their safety" Pagpapatuloy ko sa kanya. Taimtim naman siyang nakikinig.


"Mabuti naman at isang Mafia Jewel si Alessa" Nakanigti nitong sabi.


Napatinign ako sa malayo. Sa totoo lang, kung ako ang masusunod, ayoko siyang maging isang kayamanan na lahat na mismo ng mga kalaban namin ay gusto siyang patayin.


"That was my Mom's last will" Sagot ko sa kanya habang inaalala ang nakaraan.



That was the day when my Mom gave birth to my little sister. I was 11 years old then. Sa mansyon namin sa Quezon nanganak si Mama at kaibigang doctor ni Papa ay umalalay sa pagpapanganak dito. Sa labas ako ng silid at naghihintay sa kapatid ko. Si Mr. Ang ang kasama ko habang si Papa naman ay sa loob at kasama ni Mama.


Abala ako sa pakikipaglaro sa toy car ko na galing pa sa Australia, binili ni Papa noong nakaraang buwan para sa akin, nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Mama sa loob.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Where stories live. Discover now