Chapter 22. Moment of Truth

6.5K 174 20
                                    

KEYCEE'S POV

Noong makabalik si Ace sa loob ng sasakyan ay agad niya 'kong tinitigan.

"Uh..." Parang may gusto siyang sabihin.

"Mmm?" I hummed as I furrowed my eyebrows, giving him a 'what-is-it' look.

"P'wede bang dito ka muna? I just have to go somewhere, saglit lang ako. Babalikan din agad kita." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Saan naman siya pupunta? Iiwan niya 'ko rito mag-isa?

"Sa'n ka pupunta?" lakas loob kong tanong sa kaniya. Pero hindi agad siya nakakibo. Yumuko siya at bumuntong-hininga bago ulit ako tingnan. "I...just wait here, okay?"

Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko. Para bang ayoko siyang paalisin. Ayokong iwan niya 'ko rito dahil baka hindi na niya 'ko balikan. Gano'n ang iniisip ko.

"P'wede bang huwag ka na lang umalis? Oh, kaya...sama na lang ako?"

"You can't, Keycee. May importante lang akong pupuntahan. Saglit lang 'yon, okay?" Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil 'yon nang bahagya.

Ayoko man sana siyang payagan pero parang wala na rin akong magagawa. Bumaba na agad siya ng sasakyan at naglakad palayo.

Yes, hindi niya ginamit ang kotse dahil dito niya 'ko iniwan sa loob. Tanaw ko siya habang naglalakad pero sa screen ng cell phone niya naka-focus ang tingin niya.

Saan kaya siya pupunta? Ano 'yong importante n'yang pupuntahan at hindi niya ako p'wedeng isama?

***

Bumaba ako ng sasakyan para maglakad-lakad dahil nangangawit na 'ko sa halos dalawang oras kong pag-upo sa loob ng kotse ni Ace. Oo, dalawang oras na ang lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik.

"Keycee!" May tumawag sa pangalan ko at hinanap ko kung sino 'yon. "Dito sa tapat!" sigaw niya ulit. Nakita ko si Ryan sa kabilang sidewalk at kumaway siya sa 'kin. Tumakbo siya at nilapitan ako.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

"Naglilibot lang, tapos nakita kita," sagot niya habang nakangiti sa 'kin. "Kasama mo si sir? I mean 'yong asawa mo?" Napatingin kasi siya sa kotse sa tabi ko.

"Oo. Pero umalis s'ya saglit, may pupuntahan lang daw."

"Umalis? Gaano katagal na s'yang wala?"

"Uhm...almost two hours na," mahina kong sabi sabay napayuko ako dahil sa hiya. Nakakahiyang sabihin na dalawang oras na 'kong hindi binabalikan ng sarili kong asawa.

"Gano'n ba? Gutom ka na ba? Gusto mong kumain muna?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Pa'no kapag biglang dumating si Ace tapos hindi n'ya ako naabutan dito?"

"I-text mo na lang s'ya, sabihin mo na kumain lang tayo saglit. Oh kaya naman, sabihin mo sa kan'ya na inform ka kapag pabalik na s'ya para maihatid kita agad dito."

Okay ang idea ni Ryan kaya pumayag na rin ako. Tineks ko agad si Ace at sinabi ko na mag-text o tumawag na lang siya sa 'kin kapag pabalik na siya.

"Kumusta ka na nga pala?" tanong ni Ryan pagpasok namin sa isang fastfood chain na malapit lang din naman sa pinag-iwanan ng sasakyan ni Ace.

"Okay naman," mahina kong sagot. "Ikaw?"

"Kapag okay ka, okay lang din ako." Nag-smile pa siya kaya napangiti na lang din ako. "Uy, nagbu-blush s'ya...gusto mo pa rin ba 'ko?" natatawa niyang sabi, ngunit hinampas ko na lamang siya sa braso at inirapan.

"Tigilan mo nga ako, Ryan. May asawa na 'ko, 'no!" natatawa kong sagot sa kaniya.

"Edi meron lang! Sana all. Basta kapag ayaw mo na sa kan'ya, 'wag mong kalimutan na nandito lang ako, ha?" pagbibiro pa niya kaya pinatikim ko naman siya ng kurot sa tagiliran. "Ouch!" reklamo niya sabay tawa.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon