Chapter 38 - Old Friend

3.7K 87 4
                                    

KEYCEE'S POV

Hindi ako makatulog, biling-baligtad na naman ang ginagawa ko sa higaan ko. Bakit ba kasi n'ya sinabi 'yon? Nasisiraan na ba siya? Alam na ba n'yang ako si Keycee? Bakit niya 'ko tinawag na Keycee? Bakit niya sinabing...

Please, come back to me.

Hindi tuloy ako makatulog dahil nag e-echo pa rin sa pandinig ko 'yong sinabi niya.

*FLASHBACK*

"Please, come back to me." 

Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Ramdam ko 'yong lungkot sa boses niya noong sinabi niya ang salitang 'yon. Para siyang nangungulila. Nakaramdam ako ng awa at parang gusto ko s'yang yakapin nang mahigpit, but I did my best not to, dahil baka bigla akong bumigay. 

Tumingin siya bigla sa 'kin kaya nag-iwas ako ng tingin. Pati mata niya malungkot din. Gamit ang peripheral vision ko alam ko na sa 'kin pa rin siya nakatingin. Ako naman ang tumawa nang malakas habang nakatingin sa tv. Tumawa 'ko kahit na hindi naman masyadong nakakatawa 'yong nangyari. I just wanted to change the atmosphere kaya tawa pa rin ako nang tawa kahit wala namang nakakatawa. Pero natigilan ako nang damputin niya 'yong remote at patayin ang tv.

"Look at me." 

I stopped laughing, but I didn't look at him. My eyes fixated on the tv screen, unable to blink because of his gaze. Inipit niya nang mga daliri niya 'yong mata niya na para bang pinipigilan n'yang may lumabas do'n. Bigla tuloy may kumirot sa dibdib ko. Nalulungkot ako. 

"I didn't mean to hurt you, Keycee." Ibinaba niya ang kamay niya sa unan na nakapatong sa lap niya. Itinuon ko naman ang paningin ko sa tv kahit hindi 'yon nakasindi. Ayoko s'yang tingnan kasi baka maiyak ako. 

Mahirap na baka mahuli niyang ako nga si Keycee kahit na parang nahuli na niya nga ako at ako lang 'tong manhid kasi pinaniniwala ko pa rin ang sarili ko na hindi niya pa alam ang totoo. 

"Hindi ko sinasadyang saktan ka, maniwala ka," he continued. "Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko no'n. Pero no'ng naglaho na ang galit ko, do'n ko na-realized na mali ako. Sumobra ako masyado. Hindi ko talaga sinasadyang magbitaw nang masasakit na salita sa'yo." His sincerity filled my heart. Alam kong nagsasabi siya ng totoo pero hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Ang gulo ng isip ko.

Naramdaman ko na parang nag-iinit ang bawat sulok ng mga mata ko. Hindi p'wede 'to. Hindi ako puwedeng umiyak sa harap niya. Hindi puwede. 

Tumayo na agad ako at umalis sa kinauupuan ko. Nagmadali akong bumaba sa hagdan at dali-daling pumasok sa kwarto ko. Doon ako nag-iiyak. Hindi ko mapigilan. Kahit na ano'ng gawin kong pagpipigil sa luha ko, kusang lumalabas ang malalakas kong hikbi. Mukhang hindi na nga yata iyak ang ginawa ko kung 'di hagulgol na.

***

KINABUKASAN. Medyo tinanghali ako nang gising. Nakalimutan ko kasing mag-alarm. Sa bagay, thursday naman ngayon kaya 1:30pm pa ang pasok ko. Bumangon na 'ko sa kama at susuray-suray na lumabas sa kwarto.

Si Ace agad ang naabutan ko sa kusina. He's cooking. Nakatalikod siya sa 'kin at nakasuot ng apron habang may hawak na sandok. Dinig na dinig ko rin 'yong pagsagitsit nang mantika sa kawali at amoy na amoy ko na 'yong piniprito n'yang tocino. Nagutom tuloy ako bigla.

Dumiretso na muna ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Iisa lang ang banyo namin kaya naman share kami rito. Napansin ko 'yong lagayan ng toothbrush. Naging dalawa na 'yong toothbrush do'n. The last time I checked akin lang ang nakalagay do'n pero ngayon nandito na rin 'yong sa kaniya. Pati 'yong mga gamit niya sa pagligo narito na rin.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon