Chapter 9. His Real Mom

8.2K 173 12
                                    

KEYCEE'S POV

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak ko at naisipan ko siyang i-kiss. Nang matauhan ako sa ginawa ko, agad akong lumayo, pero hindi pa 'ko nakakaupo nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila niya 'ko palapit ulit sa mukha niya. Then he kissed me, too. It's not just a normal kiss, but a longer one.

Halos maghabol kami ng hininga nang bumitaw kami sa isa't-isa. At doon ko napansin na puro sauce na pala 'yong blouse ko. Dahil kasi sa pagdukwang ko sa kaniya, hindi ko namalayan na dumikit ang blouse ko sa pagkain naming nasa mesa.

Nang tingnan ko si Ace, ngumiti siya. Ako naman ay nahiya kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng office niya without saying goodbye to him.

Patakbo akong bumababa sa hagdan nang biglang may humarang sa harapan ko. Si Ryan.

"Sa'n ka pupunta? Bakit parang nagmamadali ka?" tanong niya sa 'kin at saka bumaba ang tingin niya sa blouse ko na may bahid ng sauce ng creamy garlic pork na kinain namin ni Ace. "Bakit marumi 'yang uniform mo?" he added.

Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko dahil na blangko ang utak ko nang maalala ko ang ginawa kong paghalik kay Ace.

Bakit ko ba kasi 'yon ginawa? Masyado ba 'kong natuwa sa kabaitan niya sa 'kin na hindi ko naman alam kung kailan ang expiration?

"Ah, ano kasi..." Lalo kong hindi naituloy ang sasabihin ko nang biglang magdaan sa gilid namin si Ace. Pababa na rin siya at nakasuot na 'yong uniform niya. "Nag...kakaladyaan kasi sila Ryza kanina kaya natapon sa blouse ko 'yong pagkain ko," I lied.

Binaling ko ang tingin ko kay Ace na medyo nakalagpas na sa amin. Alam kong narinig niya 'ko. Bumaling siya sa 'kin at bahagyang ngumisi. Ako lang ang nakakita no'n dahil nakatalikod sa kaniya si Ryan.

"Gano'n ba? Gusto mo samahan kitang magpa-dry clean sa labas?"

Binalik ko na ulit ang tingin ko sa kaniya. "Hindi na. Malapit na rin naman ang uwian," sagot ko.

"Sige. Ikaw bahala. Nga pala, baka gusto mong manood ng practice game namin mamaya sa gym, 4pm," nakangiti niyang sabi.

I hummed as a response. "Sige, ayain ko sila Ryza at Christia."

***

Pasado alas siete na akong nakauwi sa bahay. Hindi kami nagsabay ni Ace dahil after class ay nagtext ako sa kaniya na manonood muna kami nila Ryza ng practice nila Ryan. Pumayag siya kaya nauna na siyang umuwi.

Naabutan ko rin ang lolo, mom at dad ni Ace sa bahay. Hindi pa sila umaalis kaya no choice ako kung hindi sa kwarto ni Ace dimiretso para hindi sila magduda na separate rooms talaga kami.

Naabutan ko si Ace sa bed niya, may hawak na libro habang nakasandal sa headboard. Lumingon siya sa 'kin saglit pero hindi niya 'ko binati o nginitian man lang. Strict mode on yata siya ngayon.

Nang maibaba ko na 'yong bag ko ay agad akong lumabas ng kwarto para pumuslit sa sarili kong room. Kumuha ako ng sleepwear at bumalik rin agad sa kwarto ni Ace.

"Pa-shower," baling ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay makasagot at agad na 'kong pumasok sa banyo niya.

Nang matapos ako at makapag bihis na, lumabas ako agad. "Let's go eat," baling sa 'kin ni Ace.

"Akala ko ba kumain na kayo kanina?" sagot ko habang tinutuyo ko ng towel ang buhok ko. Bandang 6:30pm kasi nang mag-text siya sa 'kin na mauuna na silang mag-dinner since wala pa 'ko sa bahay.

"Hindi ako kumain. Sila lang."

Natigilan ako sa ginagawa ko at hinarap siya. "You waited for me?"

Tumango naman siya. "Ayaw ni lolo na kumain ako nang wala ka. Sabi niya hintayin na lang daw kita para may kasabay kang kumain pag-uwi mo." Kikiligin na sana 'ko kung hindi lang siya nagpaliwanag. Pagkatapos kong magsuklay ay sabay na kaming lumabas sa kwarto. Pero habang pababa sa hagdan, bigla akong may naramdaman na kakaiba sa tapat ng dibdib ko, dahilan para mapahinto ako. "Okay ka lang?" nilingon ako ni Ace.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon