Chapter 34. The Picture

4.7K 110 11
                                    

KEYCEE'S POV

Hindi ako makakilos. My body got frozen. Hindi ko man lang siya magawang itulak at 'yon ang ikinaiinis ko sa sarili ko. He's kissing me while I do nothing. Pakiramdam ko rin ay biglang sumanib sa 'kin si Keycee dahil parang gusto ko rin siyang halikan pabalik— pero hindi p'wede. Pagiging marupok in this kind of situation is a BIG NO!

After so many years ay nagawa ko na rin siyang itulak. 'Yong mata niya medyo namumula at parang gusto niyang maiyak.

"P-Professor Lee," nauutal kong sabi. Pero bigla ulit niya akong kinabig palapit para yakapin.

"Pumikit ka. Isipin mo na lang na nababaliw ako dahil sa mga sasabihin ko. Pero hindi ko na kasi talaga kayang sarilinin na lang 'yong nararamdaman ko." Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita ngayon, at gaya nang sinabi niya pumikit ako, at sa pagpikit ko alam kong may pumatak na luha sa mata ko. "Keycee..." he said softly. Mas lalo rin humigpit ang yakap niya, tipong takot na siyang bitawan ako.

Ace.

"Keycee..."

Ace.

"I missed you so much."

Miss na rin kita.

"Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo noon. Hindi ako nag-isip, nagpadala ako sa galit ko. Hindi ko naisip na nasaktan na pala kita nang sobra...patawarin mo 'ko." Pakiramdam ko ako ulit si Keycee ngayon dahil sa mga sinasabi niya. "Keycee...mahal na mahal kita. Higit pa sa buhay ko, higit pa sa mga bagay na mayro'n ako." Tinulak ko siya bigla 'tsaka ako dali-daling tumakbo palabas. Ayokong makita niyang umiiyak ako kasi baka makahalata siya na ako nga si Keycee.

Dumiretso agad ako sa classroom at kinuha 'yong bag ko. Tinanong pa 'ko ni Marian at Jezza kung saan ako pupunta pero nagmadali na akong tumakbo paalis. Hindi na ako pumasok sa mga susunod na klase.

Nagpunta ako sa isang park, at sakto namang walang tao sa pwesto ko kaya doon ako umiyak nang umiyak.

Miss na miss ko na rin siya. Gusto ko rin siyang yakapin nang mahigpit kanina. I also wanted to kiss him back pero hindi p'wede.

Ayoko pa. Hindi pa 'ko handa na maging si Keycee ulit. Lalo na ngayong pakiramdam ko ay nakabangon na 'ko mula sa pagkakadapa, ayoko ng mangyari ulit 'yon dahil baka sa susunod na madapa ako ay hindi na 'ko makabangon pa.

ACE'S POV

Sinundan ko agad si Keycee noong makita ko na tumatakbo siya palabas ng building. Hindi na 'ko gumamit ng kotse at naglakad na lang din. Wala akong pakialam kung hindi ko mapasukan ang time ng klase ko mamaya. Mas importante si Keycee.

Huminto siya sa isang park. Walang tao sa paligid niya kaya nagawa niyang umiyak nang umiyak. Medyo malayo naman ako at nakatanaw lang sa kaniya. Mas lalo kong napatunayan ngayon na siya talaga ang asawa ko. Hindi naman kasi siya iiyak nang gan'yan kung hindi nga siya si Keycee. Idagdag pa ang pag-amin ng mama niya.

Nalulungkot akong makita siyang umiiyak pero at the same time hindi ko maitago ang saya na malamang buhay siya. Ang akala ko talaga wala na siya. Hindi ako makapaniwala na may chance pa pala na makasama ko ulit siya.

At ngayong nakita ko na siya...hindi na 'ko papayag na magkahiwalay pa ulit kami. Kahit na maging stalker niya pa 'ko ay okay lang sa 'kin basta lagi ko siyang makikita kahit saan man siya pumunta.

Noong natapos siyang umiyak ay agad na rin siyang tumayo at umalis. Sinundan ko siya nang palihim hanggang sa makauwi siya sa kanila. Sinabi na rin kasi sa 'kin ni Mama Steph ang address nila.

Nakatanaw lang ako sa kaniya habang papasok s'ya sa gate. Noong makapasok na siya, doon pa lang ako umalis para bumalik sa school.

KEYCEE'S POV

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon