Chapter 17. Photo

7K 154 12
                                    

KEYCEE'S POV

"Can you give the Princess a kiss, too?" I said, still in his embrace. We stayed like that for a few moments before he finally unwrapped his arms around me.

"What a Princess wants, a princess gets." After he said that, he leaned forward and pressed his lips to mine.

Bakit gano'n? Parang kanina lang iyak ako nang iyak, tapos ngayon parang walang nangyari? Dahil kay Ace nakalimutan ko 'yong dahilan kung bakit ako umiyak. Dahil din sa kaniya, nawala 'yong disappointment na nararamdaman ko kay Ryan.

"Thank you," sabi ko nang maglayo na ang mga mukha namin.

"For the kissed?" he teased.

"No." I shook my head. "Thank you for taking away the pain I felt earlier." Ngumiti ako nang bahagya at saka ko ulit siya niyakap. "Thank you, Ace—my strict husband."

***

"Ayoko nga! Ayoko sabi! Huwag na lang!" Pilit akong hinihila ni Ryza at Christia sa tapat ng pinto ng room nila Ryan.

Kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari kaya nagalit sila. Kailangan daw namin komprontahin si Ryan at turuan ng leksyon. Akala mo naman ang tapang-talang nila samantalang nagtatago pa sa likod ko kapag may aso kaming nadadaanan minsan.

"Huwag ka ngang gan'yan, Keycee! Sinaktan ka no'ng tao tapos tutunganga ka lang? Wala ka man lang bang gagawin?" inis na sabi ni Ryza.

"Kahit naman may gawin ako, wala na rin mangyayari, tapos na 'yon!" I exclaimed.

"'Yon na nga, tinapos n'ya lang nang gano'n. Kaya kailangan gantihan mo s'ya. 'Yong ganti na mas masasaktan s'ya!" Isa pa 'tong si Christia. "Kaya halika na. Huwag ka lang basta tumayo d'yan." Hinila na nila 'ko kaya wala na 'kong nagawa. Dalawang puwersa sila kaya hindi ko kaya.

Isa-isa nang naglalabasan 'yong mga estudyante sa room nila Ryan pero hindi pa rin namin s'ya nakikita.

"Umalis na lang kaya tayo? Huwag na natin s'yang hanapin, tara na." Tumalikod na 'ko and was about to leave when I heard Ryan's voice.

"Keycee," tawag niya sa 'kin. Nakatalikod ako, hindi ko alam kung paano ako haharap sa kaniya. "P'wede ba tayong mag-usap?" Naramdaman kong lumapit siya sa 'kin dahil narinig ko 'yong footsteps niya. Keycee, kaya mo 'yan! Harapin mo s'ya. 'Wag kang kabahan!

"Saan mo gusto? Dito na lang ba?" tanong ko sabay harap sa kaniya. Pero natigilan ako nang makita ko 'yong itsura niya, may mga pasa at sugat siya sa mukha.

'Yon din ang dahilan kaya speechless si Ryza at Christia. Nang ibaling ko kasi sa kanila ang tingin ko— nakatitig lang sila kay Ryan na para bang hindi makapaniwala sa itsura nito ngayon.

Gusto niyang mag-usap kami sa walang masyadong tao kaya ipinagpaalam niya 'ko sa mga kaibigan ko at inaya niya qko sa back gate ng school.

***

"Keycee, 'yong nangyari kapahon..." pagsisimula niya, "gusto kong mag-sorry dahil—"

"Dahil pinaglaruan mo lang ako?" I interrupted him. "Kung ginirlfriend mo lang ko para paglaruan...'wag kang mag-alala dahil pinatulan lang din naman kita para may kalaro ka." Magsasalita sana siya pero hindi ko suya hinayaan na makapangatwiran pa. "At sorry ka, dahil sa game nating dalawa, player ka lang, ako coach na." Feeling ko ang yabang ko. Siguro kasi, nasaktan ako sa mga sinabi niya sa 'kin kaya kailangan kong magtapang-tapangan at ipamukha sa kaniya na hindi ako apektado.

"Keycee, hindi naman gano'n ang—"

"Simula ngayon 'wag mo na akong kakausapin. Aarte ako na hindi kita kilala at sana gano'n ka rin." Naiinis ako kapag naaalala ko 'yong nangyari sa parking lot, para akong kawawa na halos ipagtabuyan niya kaya dapat lang sa kaniya 'to!

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon