Chapter 10. Keycee's Another Secret

7.7K 194 9
                                    

KEYCEE'S POV

Hindi naging maganda ang buhay ko noong bata ako. Nine years old pa lang ako no'n, magkasama kami ni papa na naglilibot sa park. Ang sabi niya 'dito ka lang anak, ibibili kita ng ice cream'.

Umalis si papa at ibinili niya ako ng ice cream. Tuwang-tuwa ako noon, pero bigla na lang nagkaroon ng gulo sa park.

May mga putok ng baril akong narinig, at hindi ko namalayan na nabaril pala ang papa ko. Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak noong nakita ko na si papa na nakahandusay at walang malay.

Dahil bata pa ako no'n, hindi ko alam kung ano'ng dapat kong gawin kaya umalis ako sa tabi ni papa. Tumakbo ako pauwi sa bahay habang umiiyak. Ang plano ko, tatawagin ko si mama para sabihin ang nangyari kay papa, pero hindi na 'ko nakaabot sa amin dahil may isang sasakyan na huminto sa harap ko at bigla na lang akong isinakay. Mas lalo pa 'kong naiyak noong naisip ko na na-kidnapped ako.

Dinala ako ng mga tao na kumidnap sa 'kin sa isang lugar na hindi pamilyar sa 'kin. Pagdating namin sa parang bodega, nagulat ako dahil hindi lang pala ako ang batang na-kidnapped nila kun'di marami pa. Pinagsama-sama nila kami at inuutusannna magnakaw.

'Walang magtatangkang tumakas sa inyo kung ayaw n'yong paputukin ko sa mga ulo n'yo ang baril na hawak ko.' 'Yon ang sabi ng isang lalaki sa amin, sa tingin ko siya ang pinaka-leader. Wala rin akong ibang magawa noong oras na 'yon. Dahil sa sobrang takot ko kaya iyak na lang ako nang iyak.

Araw-araw nila kaming pinapagala sa lansangan at pinipilit magnakaw pero hindi ko sinusunod 'yon kaya lagi nila 'kong sinasaktan. Halos isang linggo kong naranasan 'yong pananakit nila sa 'kin. Hindi nila 'ko pinapakain, kahit tubig hindi nila 'ko binibigyan. Galit kasi sila dahil hindi ko sinusunod ang gusto nila na pagnanakaw.

Pero isang araw pinagbantaan nila ako na papatayin kapag hindi ko pa sila sinunod. Natakot ako kaya kahit ayokong magnakaw naisip ko na kailangan ko 'yon gawin para manatiling buhay.

Habang naglalakad ako sa lansangan napilitan akong hablutin 'yong bag ng isang babae, at mabilis na tumakbo.

Natuwa sa 'kin 'yong mga masasamang tao na kumidnap sa 'kin dahil maraming laman na pera 'yong bag at may mga alahas rin at cards. Pagkatapos nilang kuhanin lahat ng laman ng bag, inihagis nila sa 'kin 'yon at sinabing itapon ko na.

Noong oras din na 'yon nakaisip ako ng paraan para tumakas. Ang alam nila itatapon ko lang 'yong bag pero hindi na nila namalayan na tumakas ako dahil busy sila sa pera at alahas sa harapan nila.

"'Yon ang dahilan kaya wala akong pinagsasabihan tungkol sa bagay na 'to. Nahihiya kasi akong malaman ng mga tao na naging masamang bata ako." Tiningnan ko si Pinky at kaagad siyang nagpunas ng luha. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala siya.

"Naiintindihan kita Keycee, alam kong napilitan ka lang na gawin 'yon. Kung ako ang nasa posisyon mo noon wala rin akong choice kung hindi ang sundin sila kahit alam kong masama ang gagawin ko." Hinaplos niya ang buhok ko at tinapik niya rin ako sa balikat. "So, hindi mo pa pala 'to nai-kwento kay Ace at ako pa lang ang nakakaalam?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Kahit isa wala pa 'kong pinagsasabihan. Kahit ang sarili kong mama hindi niya rin alam."

"Omg! Hindi mo rin sinabi sa mama mo?!" 'di makapaniwala niyang tanong.

"Gano'n na nga," I nodded. "Ikaw pa lang talaga ang pinagsabihan ko."

"Ang tibay mo pala, Keycee. Pa'no ka umuwi sa inyo pagkatapos mong ma-kidnapped at paano mo inexplain ang araw na nawala ka?"

"Sinabi ko na lang kay mama na naligaw ako tapos may kumupkop sa 'kin."

"Aww...ang sad naman. 'Wag kang mag-alala, kung ayaw mong ipaalam kahit kanino ang tungkol d'yan, hindi ko ipagsasabi, promise!"

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon