Chapter 1

31 2 1
                                    

Nathan

"NATHAN!"

Halos mabingi na ako sa kanina pang pagsigaw ng nakatatanda kong kapatid kasi ang bagal ko raw kumilos. Aalis nga pala kami dahil papunta kami ng ospital.

"Sandali! Heto na! Anak ng pitumpu't sira naman oh!", itinaas ko ang boses ko.

Nasa kwarto pa kasi ako at ready nang umalis. Like hello! Hindi naman pwedeng humarap ako sa Tito Gio ko na madungis. Hindi naman kasi ako katulad ng kuya kong si Drake na madungis hahaha!

Nang makababa na ako ay sinalubong ako ni Kuya Drake na naka-poker face. Seriously? Nagmumukha lang siyang natatae sa pagpo-poker face niya.

"At ano namang mukha 'yan ha, Kuya Drake?", itinaas ko pa ang kanang kilay ko nang tanungin ko siya.

"Kahit kailan talaga, napakakupad mong kumilos, Nathan! Para kang pagong!", panenermon sa'kin ng kapatid ko.

Aba! Aba!

"Pwede ba! Eh sa nag-aayos ako ng maayos dito hindi kagaya mo no!", sagot ko tapos inirapan ko siya.

"Hayst! Kung hindi lang kita kapatid at tsaka kung hindi mo lang kawangis ang Tito Gio no'ng kabataan niya, malilintikan ka sa'kin. Pasalamat ka't kamukhang-kamukhang mo ang Tito Gio. Tsk!"

Inirapan ko na lang ulit siya. Lagi na lang niyang sinasabing kamukhang-kamukha ko raw ang Tito Gio namin no'ng kabataan nito. Kung tutuusin, para raw akong anak talaga ni Tito Gio at hindi pamangkin dahil sa huge resemblance ko sa kanya. Kahit ang parents namin ay sinasabing kawangis ko talaga ang tiyuhin ko na 'yun.

Ngapala, papunta kami ng ospital dahil bibisatahin namin si Tito Gio. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas no'ng atakehin siya ng sakit niya sa puso at naging kritikal siya. Sa ngayon, naka-confine siya sa Intensive Care Unit. Hanggang ngayon ay kritikal pa rin ang kanyang kondisyon. Medyo may improvement naman daw kaso hindi pa nagigising si Tito Gio hanggang ngayon. Lalo kasi siyang nagkasakit mula nang umuwi siya galing America. Nagtatrabaho siya doon bilang Nurse pero dahil sa sakit niya ay napilitan siyang umuwi dito sa Pilipinas at iwan ang nakasanayang trabaho niya doon. Siguro dinamdam niya 'yun kaya siguro heto 'yung kinahahantungan niya.

Pero alam kong may isa pang dahilan kung bakit lalo siyang nagkasakit. Alam kong ilang taon nang lumipas 'yun pero kitang-kita ko pa rin sa mga mata niya na nasasaktan pa rin siya. Maliit na bata pa lang ako noon pero nasaksihan ko ang mga pasakit at paghihirap na ginawa sa kanya ng pamilya ng taong 'yun. Mas lalo ko pang naunawaan ang nangyari sa kanya nang mabasa ko mismo ang diary niya. 23 years had passed pero lalong uminit ang dugo ko sa pamilyang 'yun. Pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Tito Gio.

HABANG nasa sasakyan kami ay itinago ko muna ang cellphone ko sa bulsa dahil kulang na lang ay masusuka na ako. Kung bakit kasi nagse-cellphone ako habang nagda-drive si Kuya Drake eh. Madali pa naman akong mahilo kapag ganun.

"Hoy Nathan? Ayos ka lang?", tanong sa'kin ni Kuya Drake nang mapansin niyang dighay ako nang dighay.

"M-Medyo nahihilo lang.", sagot ko.

Kaagad naman niya akong inabutan ng gamot. Alam kasi niyang nahihilo ako sa tuwing bumabiyahe kami lalo na kung nagse-cellphone ako.

"Kaka-cellphone mo 'yan. Alam mo namang nahihilo ka sa byahe tapos cellphone ka pa nang cellphone eh 'yan tuloy napala mo.", sermon sa'kin ni Kuya Drake.

"Naku! Pasalamat ka Kuya Drake at medyo masama ang pakiramdam ko dahil kung hindi baka nasipa ko na 'yang pagmumukha mo! Mag-drive ka na nga lang, pwede? Dami mong sinasabi eh!", pagtataray ko sa kuya kong pangit tsaka inirapan siya.

After All (Boys Love Series)Where stories live. Discover now