Chapter 5

20 1 0
                                    

1993

"GIO!"

Kaagad namang napalingon si Gio sa pinanggagalingan ng boses na tumatawag sa kanya. Kaagad namang napatakbo papunta sa kanya ang babaeng tumatawag sa kanya.

"Ang bilis mo naman maglakad!", reklamo ni Felicity, classmate ni Gio at kaibigan.

"Ang bagal mo kasing maglakad, eh. Nagugutom na ako.", reklamo naman ni Gio.

Papunta sila ng canteen para kumain. Linggo ng Wika kasi ngayon at ngayon ang huling araw. Isang week-long celebration ang idinaos sa buong campus ng St. Joseph Academy para sa Linggo ng Wika kaya buong linggo ring walang klase. Pero kinakailangan pa ring pumasok ng mga estudyante dahil sa kanilang partisipasyon.

Nasa canteen na sina Gio at Felicity at maraming tao na sa loob. Nag-order na rin sila ng kanilang makakain at pumwesto na sa isang bakanteng mesa.

"Ngayon ang last day ng Linggo ng Wika, Gio. Magkakaroon na ng klase. Hay naku! Katamad nang mag-aral.", reklamo ni Felicity habang iniinom ang kanyang milk shake.

Demure naman na natawa si Gio. Kahit kailan talaga puro reklamo ang naririnig niya kay Felicity.

"Ikaw naman. Nasa kalagitnaan na tayo ng school year at para saan pa't ga-graduate na tayo ng high school sa March. Kaya konting tiis na lang, Felicity.", encouragement ni Gio kay Felicity.

She rolled her eyes. Tama rin naman si Gio. Fourth Year High School na sila at Kolehiyo na rin sila sa susunod na pasukan.

"Lakas mong makapagsalita ng ganyan, Giovannie. Palibhasa ay matalino ka at tsaka mukhang ikaw ang magiging Valedictorian sa batch natin.", dagdag pa ni Felicity.

Ngumiti naman si Gio na nagpapahiwatig na hindi siya sumasang-ayon sa mga sinasabi ni Felicity.

"Valedictorian ka diyan! Hindi 'no! May mas magaling pa kesa sa'kin.", ani Gio.

Felicity rolled her eyes again.

"At sino naman ang mas magaling kesa sa'yo, aber? 'Wag mong sabihing 'yung maarteng si Margarette na kaklase natin? Hindi naman matalino 'yun! Trying hard siguro, pwede pa. Pero talino? Ang layo niya sa'yo, Giovannie Montemayor!", giit pa ni Felicity.

"Hater ka talaga ni Margarette, 'no? Kung sabagay, mahigpit na karibal mo siya noong nakaraang Math Quiz Bee.", dagdag pa ni Gio.

"Anong mahigpit na karibal ko? Natin! Buti nga natalo natin siya 'no! Ang lakas ng loob sumali ng Math Quiz Bee eh nagpapasikat lang naman!", dagdag naman ni Felicity.

Napailing-iling na lang si Gio habang iniinom ang kanyang milk shake.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay dumating naman ang ilan pa nilang kaklase at kaibigan at nakisalo na rin sa kanila.

Maririnig na rin sa labas ng canteen ang hiyawan ng ilang mga estudyante dahil may ginaganap na Ginoo at Binibining Linggo ng Wika. Doon sana papunta sina Gio at Felicity pero dahil nakaramdam ng gutom si Gio ay sa canteen muna sila nagtungo at kumain bago masaksihan ang nagaganap na Maringal na Pagtatanghal.

"Teka? 'Di ba si Oliver Medrano 'yun?", turo ni Erica, isang kaklase nila, sa isang bagong dating na lalake.

Napalingon naman ang lahat, maging si Gio.

"Sino si Oliver Medrano?", tanong ni Gio.

"Hayun oh! 'Yung poging guy over there. Transferee siya from other school. No'ng pasukan pa siya dito. Ang gwapo talaga niya!", kinikilig na turan ni Erica habang itinuturo ang kinaroroonan ni Oliver.

Nilingon naman ito ni Gio at tinitigan itong mabuti. Oo, gwapo nga si Oliver. Matangkad ito nang kaunti kay Gio. Siguro nasa mga 5'8 ang height nito. Bumagay sa kanya ang butterfly hairstyle nito na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan ni Oliver. Medyo deep set ang mga mata nito at bumagay sa kanya ang makapal niyang kilay. Oliver has a kissable and red lips. Medyo matipuno ang pangangatawan nito ngunit katamtaman lamang. Matangos din ang ilong nito. Hindi siya maputi at lalong hindi rin siya maitim. Hindi rin siya matatawag na moreno. Maayos naman ito kung manamit.

After All (Boys Love Series)Where stories live. Discover now