Chapter 6

14 1 0
                                    

"ANG tapang talaga ng kaibigan natin! Imagine? Walang takot niyang hinarap ang salbaheng Kenneth na 'yun at iniligtas pa niya si Oliver. How heroic talaga!", kinikilig na pagkakasabi ni Erica habang kinikwento niya ang kabayanihang ginawa ni Gio noong nakaraang linggo.

"Proud na proud kami sa'yo, friend! Hindi namin akalain na ganun ka pala katapang. Dinaig mo pa ang mga bayani ng Pilipinas!", mungkahi naman ni Felicity kay Gio.

Napangiti lamang si Gio. Nasa Freedom Park sila ng school at nakaupo doon sa Circle of Friends. Kalat na kalat na kasi sa buong eskwelahan ang pagkakaligtas ni Gio kay Oliver mula sa tiyak na panganib. Hindi lubos akalain ng ilan na ang mahinhin at medyo tahimik na si Gio ay may itinatago rin palang tapang.

"Nakakulong na ngayon si Kenneth. Attempted Murder ang magiging kaso niya dahil pinagtangkaan niya ang buhay naming dalawa ni Oliver. Pwede nang makulong si Kenneth dahil nasa legal age na siya. He's 19 years old.", paliwanag naman ni Gio.

"19? Eh bakit Fourth Year High School pa siya hanggang ngayon? 'Di ba dapat nasa College na siya? Ay oo nga pala. Bolakbol pala ang pesteng 'yun kaya pabalik-balik ng High School!", dagdag pa ni Erica.

"Dapat hindi na makalaya ang Kenneth na 'yan! Salot na nga siya dito sa school, salot pa siya sa lipunan. Saan ba nagmana ang unghang na 'yun eh ang bait-bait naman ng mga magulang niya?", hirit naman ni Felicity.

"Baka naman ampon!"

Sa puntong 'yun ay sinaway na sila ni Gio. Para sa kanya, kahit gaano pa kasama ang isang tao ay wala ni sinuman ang may karapatang humusga dito.

"Grabe! Hero na nga si Gio ay super bait pa. Heads down na talaga kami sa'yo, Giovannie. Bow down to our King."

Natawa naman si Gio sa tinuran ni Felicity. Sa puntong 'yun ay dumating naman si Oliver na lalong nagpakilig sa mga babaeng kaibigan ni Gio. Hinahanap nito si Gio at saktong nakita niya ito sa Freedom Park.

"Hinanap kita sa classroom niyo dahil yayayain sana kita mamaya after class ng dinner kaso wala ka doon. May nakapagsabi sa'kin na dito raw kita makikita sa Freedom Park kaya nagbakasali na ako at 'yun nga, nahanap kita dito.", wika ni Oliver.

Sobrang kinikilig naman sina Felicity at Erica para kay Gio. Si Gio naman ay hindi alam ang sasabihin. Unang beses na may nagyaya sa kanya ng dinner.

"Ah eh... seryoso ka ba diyan, Oliver? Dinner after class? Bakit?", si Gio na hindi na naitago ang pagkahiya.

Ngumiti naman si Oliver bago ito nagsalita.

"I'm serious. Yayayain talaga kita ng dinner mamaya after class. 'Yun ay kung okay lang sa'yo. Pwede rin nating isama ang mga kaibigan mo.", anya Oliver.

Napatingin naman si Gio kina Felicity at Erica na ngayon ay hindi talaga maitago ang kilig.

"Naku! Oliver. Thank you so much for inviting us pero mas romantic kung kayo na muna dalawa ni Gio ang magdi-dinner mamaya.", sagot naman ni Felicity.

"Oo nga. Next time na kami sasama, Oliver. Si Gio muna. Masyado kasing conservative 'tong friend namin kaya hindi nagkaka-lovelife.", dagdag pa ni Erica.

Pinandilatan naman ng mata ni Gio si Erica sa sinabi nito. Natawa lamang si Erica sa reaksyong meron si Gio.

Napangiti naman si Oliver kina Erica at Felicity na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin.

"So, ano Gio? Okay lang ba?", muling tanong ni Oliver.

Sa huli ay pumayag na rin si Gio. Mamaya pagkatapos ng kanilang klase ay susunduin ni Oliver si Gio sa classroom nito.



ALAS CINCO ng hapon natapos ang kani-kanilang mga klase at ang iba ay naghahanda na para umuwi. Saktong paglabas ni Gio sa kanilang classroom ay naghihintay na roon si Oliver. Kaagad naman siyang nilapitan ni Gio.

After All (Boys Love Series)Where stories live. Discover now