Chapter 7

15 1 0
                                    

1993

GRADUATION Ceremony na ng St. Joseph's Academy. At gaya nga nga sinabi ng kanyang mga kaibigan, si Gio ang naging Class Valedictorian sa kanilang batch. Naghahanda na ang lahat sa espesyal na araw na ito.

"Congratulations, Gio! Oh 'di ba? Sabi nga namin sa'yo, eh. Ikaw ang naging Class Valedictorian sa batch natin. Ang galing-galing talaga ng kaibigan natin.", puri ni Felicity kay Gio.

"Congratulations din, Felicity. 'Wag kang engot diyan. Ikaw ang Class Salutatorian.", ani Gio.

Nagtawanan silang dalawa. Sa kalagitnaan ng kanilang tawanan ay dumating si Oliver. Nag-congratulate ito kay Gio at Felicity. Sayang nga lang at hindi nasali si Oliver sa Class Ranking dahil nga transferee ito from other school. Pero ayos na din kasi matalino pa rin si Oliver.

Nang matapos ang Graduation Ceremony ay kanya-kanyang gimik ang ilan. Ang iba naman ay nagko-contemplate kung saan sila mag-aaral ng College. Ang ilan naman sa kanila ay nag-iiyak na dahil maghihiwa-hiwalay na sila ng landas pagkatapos nito. Ang ilan naman ay parang wala lang sa kanila.



DALAWANG linggo matapos ang kanilang graduation ay nagkita-kita ulit sina Gio, Felicity, Erica at ilan pang mga kaibigan nila. Magkakaroon sila ng mini celebration dahil sa wakas ay graduate na sila ng High School and they are ready to face their life sa darating na College. They are celebrating sa isang beach resort.

"Ikaw, Gio. Anong kurso ang kukunin mo?", naitanong ni Emman, isa sa kanilang barkada.

"Nursing.", sagot naman ni Gio.

"Wow! Talaga, Gio? Ang galing naman. Bihira lamang na kumuha ng Nursing ang mga lalake.", namamanghang sagot ni Emman.

"Eh hindi naman lalake 'yang si Gio, eh.", biro ni Felicity.

Natawa naman si Gio at ang iba pa sa joke na 'yun ni Felicity. Sanay na naman si Gio sa kaibigang si Felicity.

Suportado naman ang mga magulang ni Gio sa desisyon niyang kumuha ng Nursing. Gusto niya kasing maging nurse para makatulong sa maysakit. Tama nga naman si Emman. Bibihira lang sa mga lalake ang kumuha ng kursong Nursing dahil nga kadalasan ay mga babae ang kumukuha ng kursong ito. Well, Gio will make history. He will be one of the few male nurses kung magkataon.

Sa susunod na buwan ay kaarawan na niya. Bakasyon pa rin naman sa kaarawan niya kaya marami siyang oras para maghanda. Sinabihan na rin niy ang kanyang mga kaibigan tungkol dito. Kahit na si Oliver ay sinabihan na niya noong araw ng Graduation nila.

And speaking of Oliver, kumusta na kaya 'yun? Halos dalawang linggo na ring hindi nagkikita sina Gio at Oliver. Huli silang nagkita ay noong Graduation pa nila. Ang huling balita niya ay umuwi raw si Oliver ng Cabanatuan sa probinsya ng Nueva Ecija kasama ang pamilya niya habang siya naman ay umuwi ng Ilagan sa probinsya ng Isabela para magbakasyon ng ilang araw doon kasama ang lolo't lola niya.

"Oh Gio? Ba't ka nananahimik diyan?", tanong ni Felicity.

"Wala. May iniisip lang ako.", sagot naman ni Gio.

Mukhang nahihinuha na ni Felicity kung sino ang iniisip ni Gio.

"Si Oliver, ano?"

Marahas na napalingon si Gio kay Felicity at mahinhin na tinawanan ito.

"Pa'no mo nalaman?", tanong ni Gio.

"Hoy Giovannie Montemayor! Kilalang-kilala kita mula ulo hanggang paa. Mukhang head over heels ka na 'ata diyan kay Oliver, eh", panunukso ni Felicity.

"Hoy hindi ah! Anong head over heels 'yang pinagsasabi mo? Eh ikaw nga diyan ang head over heels kay Emman.", ganting panunukso naman ni Gio kay Felicity.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

After All (Boys Love Series)Where stories live. Discover now