Chapter 4

37 1 0
                                    

Nathan

KAGAGALING ko lang sa ospital. Medyo nagmamadali pa ako dahil may kinakailangan akong habulin na deadline. Para ito sa proposed commercial building na itatayo naming dalawa ng kapatid ko malapit lang sa Gio Hotel. Ang problema ko na lang ay kung saan ako makakahanap ng architect na makakagawa ng blue print para sa commercial building.

Ito namang si Frank ay nakakainis. Si Kyle Renz ba naman ang nirekomenda eh ayoko nga. Malaki kasalanan ng pamilya niya kay Tito Gio no! At isa pa, hindi ko kakailanganin ang isang katulad ni Kyle Renz. Makita ko lang siguro 'yun eh mag-iinit siguro 'yung dugo ko.

Mag-iisang linggo na mula nang makilala ko si Kyle Renz Medrano. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang anak ng dating bestfriend at kasintahan ni Tito Gio na si Oliver Medrano. Ang tatay niya ang dahilan ng pagiging miserable ng buhay ng Tito Gio ko. Oo nga pala, pati rin pala ang nanay ng Oliver na 'yun na lola ni Kyle Renz. Si Elena "Bruha" Medrano! Akala ng matandang 'yun eh nakalimutan ko na ang ginawa niya sa'kin! Oo, tatlong taong gulang lang ako no'n pero 'ang pagkabruha niya, hindi ko 'yun malilimutan! Pasalamat siya hindi ko na matandaan ang pagmumukha niya!

Wala akong pakialam kung isang mahusay na architect si Kyle Renz. Mas gugustuhin ko pa 'yung architect na gumawa ng blue print ng Gio Hotel kaso dalawang taon nang namatay 'yun eh. Kaya heto ako ngayon, namomroblema.

Papasok pa lamang ako ng kotse nang biglang nag-ring ang cellphone ko. I rolled my eyes. Si Frank tumatawag. Talagang makulit rin ang isang 'to eh!

"Ano ba, Frank David! Hindi nga si Kyle Renz ang...."

"Si Kyle Renz 'to."

Ano raw? Si Kyle Renz?

"Kyle Renz? Teka? Ba't nasa'yo ang phone ni Frank?", tanong ko kay Kyle Renz sa kabilang linya.

"Kailangan nating mag-usap, Nathan."

Psh! Ano raw? Ako? Kakausapin niya? Baliw!

"Pwede ba, Kyle Renz! Kung tungkol ito sa sinabi ni Frank na naghahanap ako ng architect to make the blue print of my commercial building....."

"No. Hindi 'yan ang itinawag ko sa'yo. Kailangan lang kitang makausap. You need to tell me everything what happened in the last 23 years.", kalmado ngunit seryosong tono ni Kyle Renz sa kabilang linya.

Like what?

"Ano bang pinagsasabi mo? Kyle Renz, pwede ba? Nagmamadali ako. May nira-rush akong deadline, okay? This is so important!"

"And this is important, too."

Talagang ginogoyo ako ng lalakeng 'to eh! Kung kaharap ko siguro si Kyle Renz ngayon eh malamang sa malamang ay sinipa ko na ang pagmumukha nito. Daming kadramahan sa buhay ng Kyle Renz na'to! At tsaka bakit cellphone number ni Frank ang ginagamit niya? Naghihirap na ba siya?

"Wala akong panahon makipag-usap sa'yo!"

At dahil nga nagmamadali ako, I turned down his call na tapos in-activate ko 'yung airplane mode. Nakakasira talaga ng araw ang Kyle Renz na 'yan!

Pumasok na ako sa kotse at nagmamadaling mag-drive.


BAD TRIP! Wala nga palang mga offices ngayon dahil Linggo. Aish! Nagmamadali pa naman ako tapos heto lang ang madadatnan ko? Ugh! They're wasting my effort ha! Tch!

Babalik na lang siguro ako bukas pero kung tinatamad naman ako eh si Kuya Drake ang papupuntahin ko tutal eh wala 'yung silbi eh. Hindi na rin kami masyadong nag-aalala sa kalagayan ni Tito Gio dahil improving na raw siya. Baka nga raw one of these days ay magising na siya. Tsaka may mga Private Duty Nurses na siya na mag-aalaga sa kanya sa ospital. Sana nga ay tuloy-tuloy na ang paggaling ni Tito Gio. Nami-miss na kasi namin siya.

After All (Boys Love Series)Where stories live. Discover now