Chapter 3

16 1 0
                                    

Kyle Renz

HINDI ako makapaniwala sa aking nakikita. Hindi ko aakalaing dito pa sa bagong bukas na branch ng Coffee Shop ni Frank sa mall ko makikita ang kamukha ng dating bestfriend o lover ni Dad. Kung pagbabasehan ko ang picture, halos 100% na kamukha niya si Gio. Hindi mo talaga maipagkakailang magkamag-anak sila at imposibleng hindi sila magkadugo. Sobrang magkamukha sila.

"I never thought na dito kita makikita.", sabi ko sa kanya.

There is a question mark in his face. Malamang sa malamang ay hindi niya ako kilala. Pero siya? Kilala ko siya. Kung hindi pa siya kamukha ni Gio ay hindi ko siya makikilala.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? At paano mo ako nakilala?", tanong ni Nathan sa'kin.

Naramdaman ko ang presensya ni Frank na hindi ko namalayan na lumapit na pala sa'min.

"Kyle Renz. Buti at nandito ka na. Hindi mo na inabutan ang ribbon cutting eh.", panimula ni Frank.

Hindi ko siya pinansin bagkus kay Nathan ako nakatingin. Nakita kong papalit-palit ang tingin ni Frank sa'ming dalawa ni Nathan.

"Oh. Nagkita na pala kayo.", si Frank.

Lumingon si Nathan sa gawi ni Frank na ultimo'y wala siyang naiintindihan.

"N-Nagkita? Anong ibig mong sabihin, Frank?", si Nathan.

"Siya 'yung sinasabi ko na gustong makipagkilala sa'yo. Siya si Kyle Renz, kaibigan ko.", si Frank.

"Yeah. Kyle Renz ang pangalan niya. Narinig kong tinawag mo siya kanina."

Tiningnan niya ako at pakiramdam ko ay malakas ang kanyang personality. Hindi ko kilala si Gio pero kung pagbabasehan ko sa larawan ay magkaiba sila. Siguro sa mukha ay pareho pero hindi siguro sa personality.

Alam kong sa panahong ito ay matanda na si Gio and I bet magkasing-edad lang sila ni Dad. They parted ways 23 years ago. Hindi ko pa nakikita ang totoong Gio but I bet na hanggang ngayon ay magkamukha sila ni Nathan. I have a strong feeling na they are related to each other.


NASA iisang table kaming tatlo nina Nathan at Frank. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang makaramdam ng intimidation kay Nathan. He has a strong personality at ramdam na ramdam ko 'yun.

"Kyle Renz, right?", panimula ni Nathan.

Tumango na lamang ako sa kanya.

"Now tell me. How did you know me? Nagkakilala na ba tayo noon? Kasi hanggang ngayon eh palaisipan pa rin sa'kin kung paano mo ako tinawag sa pangalan ko na para bang matagal mo na akong kilala.", dagdag pa niya na animo'y hindi ka niya titigilan hangga't hindi mo sinasagot ang katanungan niya.

Pati sa kanyang pananalita ay mararamdaman mo ang strong personality niya. Para siyang hindi nagpapatinag.

Paano ko ba sisimulang sabihin sa kanya kung related ba siya kay Gio? Hindi naman sa natatakot ako kay Nathan pero parang wala akong lakas ng loob. Si Nathan ang klase ng tao na hindi mo maiba-basta lang. He's a hell of something. Sa mukha pa lang at tono ng kanyang pananalita, parang aatras ka na. Samahan pa ng tumataas na kanang-kilay niya. Sinasadya ba niya 'yan o ganyan na talaga ang banat ng kanang kilay niya?

"Kyle Renz?"

Muli na naman niyang tinawag ang aking pangalan. This time, he called my name with an authority.

"Y-Yes, N-Nathan? I mean, S-Sir Nathan?", napa-Sir ako nang wala sa oras. Kingina!

"You're not answering my question, Kyle Renz. Should I repeat it?", he responded with an authority voice. He's like a boss.

After All (Boys Love Series)Where stories live. Discover now