Kabanata 6

105 11 1
                                    

Hindi kona mabilang kung ilang beses na akonv umikot-ikot sa aking higaan kakaisip sa aking nararamdaman.

Ilang araw nalang lilipad nakami papuntang america ni Dylan para sa kasal naming dalawa. Itutuloy kopa ba?

Alam kong lahat ng ito ay mali. Alam ko ang gagawin naming ito ay hindi dapat. Pero dahil sa sinabi nyang mapapasakin ang bahay katapos ng anim na buwan na aming kontrata.

Ilang araw ang nagdaan lagi ko nalang iniisip si Dylan. Bakit sa tuwing tinitignan ko sya sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Sobrang bilis ng aking hininga tuwing balat naming dalawa ay nagdidikit.

Binalot ko ang aking mukha sa kumot dahil sa aking iniisip. Ano bang nararamdaman ko para sakanya?

Hindi. Mali. Wala akong ibang nararamdaman kay Dylan kundi ang inis.

Nagising ako sa liwanag na tumama sa aking mata. Hindi kona namalayan nakatulog na pala ako sa pagod kakaisip. Napaigtad ako sa gulat dala ng lakas ng kalabog galing sa aking pintuan.

"Hey! Open the door" Sigaw ng lalaki.

Dali dali akong tumayo sa aking kama at binuksan ang pintuan.

"Pinagsisigaw mo dyan?!" Galit na ani ko.

"Bakit butas itong polo ko?! Anong ginawa mo ha?!" He asked.

Hindi ako maka-tingin ng daretcho sa lalaking nasa harapan ko. Paano ba naman kasi yung polo nya nasira ko noong pina-plantsa ko ito.

"Nasira ko baket?!" Pag-amin ko sakanya.

"Damn" He whispered pero dinig na dinig ko naman ito. "Ano ng gagawin dito?! Alam mo bang ito ang paborito ko sa lahat ng damit ko huh?!" Tiim bagang na anito.

"Hindi ko naman sinasadya ah!" Depensa ko.

"Wala ka ng ibang ginawa kundi sirain mga gamit ko!"

Ilang ulit akong pumikit dahil sa pagkabigla ng kanyang sinabi. "Anong sabe mo?" I asked.

"Alam mo? 'wag nalang nating ituloy ang kasal baka kung ano pa masira mo kapag nagsam--"

"Oo sige tara itigil nalang natin 'tong walang kwentang kasalan!" Pagputol ko sakanyang sasabihin.

Hindi kona siya hinintay na magsalita ulet. Tinalikuran ko sya at kinuha ang aking maleta. Naririnig ko syang nag sasalita pero hindi kona sya pinakinggan at patuloy parin ako sa pag impake ng aking mga damit.

"O tapos biglaan ka nalang mag iimpake na parang wala lang sa'yo?"

Isang salita. Isang salita ang nagpatigil sa akin sa pag-iimpake.

"Sorry dahil nasira ko ang paborito mong damit. Pero hindi na magbabago ang isip ko aalis ako wala ng kasal na mangyayari. At--" Pagputol ko sa sasabihin ko dahil lumunok ako "At babayaran kita para makuha itong bahay na ito" Sabi ko sabay tayo.

Sunod na narinig ko ang mga yapak nya palabas ng kwarto. Hindi na sya nag iwan pa ng salita.

Habang naglalakad palabas ng bahay naramdaman kong tumulo ang mga luha sa aking pisngi. Hinayaan ko lang ang mga itong tumulo hanggang sa nakatayo na ako sa harapan ng pintuan.

Huminto ako. Ilang hakbang nalang ay makakalabas na ako. Pero hindi kopa din ginagawa.

Humarap ako sa likuran ko at tinignan ng mabuti ang buung bahay. Aalis ba ako? O itutuloy ko ang kasal na ito?

Pinunasan ko ang mga luhang nasa aking mga pisngi at binuksan na ang pintuan. Nagulat ako sa mga taong nasa aking harapan.

"Bakit kayo andito?" I asked.

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon