Chapter 02

842 68 4
                                    


Tahimik na kumakain lang kami nang biglang magsalita si Chance, kaya naman napatingin kami sa kaniya. 


"How did you two meet?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Aya. 


"Kuya, you won't believe it! Ate Gwen is like my hero. She saved me from the bullies earlier! The bullies were taking my money, buti nalang dumating si Ate!" hyper na pagkukwento ni Aya. 


Chance turned his gaze to me. He seems surprised. "Really? You did that?" 


Medyo nahiya naman ako. "Yeah," payak na tugon ko. 


He smiled at me, kaya naman medyo nawala ang mga mata niya at lumitaw ang kaniyang dimple. How I missed his smile. "Thank you," aniya sa akin. 


I smiled back. "Yeah, welcome." 


We then went back to eating. 


"Ate, may tanong ako," dinig kong wika ni Aya, kaya napalingon ako sa kaniya. 


"Hmm?" 


"May boyfriend ka na?" 


Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago ko siya sagutin. "Wala." Umiling-iling ako at pasimpleng sinulyapan si Chance. 


"That's great. Single din si Kuya!" 


Sabay na napaubo kami ni Chance dahil sa sinabi ni Aya. I can feel my cheeks turning red. 


"Ate Gwen, ilang taon ka na?" pahabol na tanong niya pa. 


"22."


"Nice. Kuya is 24. Pwedeng-pwede!" She happily clapped. 


"Aya, kung anu-anong pinagsasasabi mo. Gwen is starting to feel awkward." Pinagalitan ni Chance ang kapatid. 


Aya pouted. "Sorry, Kuya. Sorry, Ate Gwen." Tapos ay tahimik na nagpatuloy na siya sa pagkain.


Nasa loob na ako ng kotse ni Chance ngayon. He offered to drive me home. Nakaupo ako sa passenger seat, pasimpleng sinusulyapan siya minsan. 


He's gotten more manly. His features have become more defined, his muscles have grown, and his skin has become tanned. 


Kahit hindi niya maalala, at kahit iba na ang pangalan niya, I know for a fact that he's Aaron. 


"Baka matunaw na ako niyan," pabirong wika niya. 


Napaiwas naman ako kaagad ng tingin at mariin na napapikit. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya. Nakakahiya!

AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon