Chapter 10

690 54 4
                                    


Humiwalay na si Eros sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang braso. He's staring at my face, smiling. 


"Gwen, 'yung totoo, gutom ka ba?" natatawang tanong niya. Parang ayaw niyang maniwala sa sinabi ko.


I pouted. "Bakit? Mukha ba akong gutom?" seryosong tanong ko.


He chuckled softly. "I'm sorry, I just got caught off guard. Did you mean what you just said?"


I nodded.


"Could you please say it again?" he requested.


"I love you," I said with all sincerity. 


Nagpipigil ng ngiting napatingala siya. I noticed that his ears were turning red. I can't help but smile.


"Sorry, I didn't hear it. Please, say it again," aniya pa.


Bahagyang natawa ako. I gestured for him to bend down a little para maabot ko siya. "I love you," malambing na bulong ko sa kaniyang tainga at medyo lumayo na.


Napabungisngis naman ako sa naging reaksiyon niya. He ran his fingers through his hair. Tapos ay tinapik-tapik niya ang sarili sa pisngi.


"Come here, Gwen." Pinapalapit niya ako sa kaniya. Sumunod naman ako.


"Hmm?"


"Gwen, can I... can I kiss you?"


My heart skipped a beat. Napatikhim ako at napaiwas ng tingin. Oh, my God! Did he really have to ask that? 


"That reaction tells me that the answer is yes," he stated, smiling. And before I could even react, he pulled me closer and held both of my cheeks. "I love you, Gwen," he gently muttered. 


I closed my eyes the moment our lips met. Feelings of butterflies suddenly sprung into my stomach. Isinukbit ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg to deepen the kiss. I giggled when he lightly bit my lower lip. He then held my waist and pulled me even closer to him. 


Oh, my God. Dikit na dikit ang mga katawan namin. The kiss has gotten more intense and more passionate. My heart began to pound like crazy --- like fucking crazy, I can almost hear it. I'm screaming internally as we kiss.


Maya-maya pa, humiwalay na ako dahil kinakapos na ako ng hininga. 


Hinawakan ulit ni Eros ang mga pisngi ko at ipinagdikit ang mga noo namin. "I love you so much," malambing na wika niya. 


I can't help but smile. "I love you too."


Nang sumunod na araw, laking gulat ko nang pagkabukas na pagkabukas ko ng aking pinto, mukha kaagad ni Eros ang tumambad sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti. He looks gorgeous. His medium-length hair is neatly brushed back, and as usual, he is dressed in a suit and tie. Amoy na amoy ko ang pabango niya. He smells so good. 

AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon