Chapter 08

657 47 12
                                    


"Ugh. My head hurts," mahinang daing ko at dahan-dahang bumangon. Sumandal ako sa headboard ng kama.


I roamed my eyes around. I'm in my apartment. Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi. Hinatid ba ako nina Carla? Hmm... 


I don't know. It doesn't matter. Ang mahalaga, nakauwi ako nang ligtas kagabi. 


Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table para tignan ang oras. Napanganga ako nang malaman kong sobrang aga pa pala. It's 5:06 AM. 8:00 AM pa ang pasok ko. What should I do? Hindi naman na ako inaantok. 


Mamalengke kaya ako? Wala kasing kapagka-pagkain sa kusina. At saka sabi nila mas mura ang mga bilihin kapag madaling araw. 


I nodded repeatedly. That's a great idea. I should do that. I jumped out of bed and went straight to the bathroom. I'm now in front of the mirror, brushing my teeth. 


Napahinto naman ako sa pagtu-toothbrush at napakunot ang aking noo nang mapansin kong iba na ang suot kong damit. Hindi ito ang suot ko kagabi. Binihisan ako nina Carla? 


Nagkibit-balikat na lamang ako. Okay lang. Sila lang naman 'yon. 


Matapos kong maghilamos at mag-toothbrush, nagsuot na ako ng komportableng damit at lumabas na ng apartment. Napagdesisyunan kong maglakad nalang patungo sa palengke. Hindi naman gano'n kalayo 'yon dito. At para na rin ma-exercise ang katawan ko. 


Nang sa wakas ay nakarating na ako, nagtingin-tingin ako kaagad ng mga bilihin. Medyo tahimik pa ngayon dito dahil wala pang masyadong tao. 


"Miss, bili ka na ng ubas, murang-mura lang!" wika sa akin ng tindera. I stopped walking and stared at the grapes she's selling. They all look fresh. Eros suddenly came to mind. He loves grapes. "Bili ka na. 150 lang kada kilo. 75 kalahati." 


Mura lang pala. I guess I should buy some... for Eros. I don't really like grapes. "Seedless po ba?" tanong ko kay Manang.


"Oo, hija," tugon naman niya. 


"Okay po. Pabili nga pong kalahating kilo," aniko at nagbigay na ng bayad. 


Nagtimbang naman na si Manang at isinupot na ang mga iyon. "Thank you," aniya at iniabot na sa akin 'yung mga ubas.


I just gave her a smile at naglakad na palayo. 


After buying some vegetables and different kinds of meat, I straightaway returned to my apartment to get ready for work. Napagdesisyunan ko rin na magluto na ng pagkain for lunch. 


"Good morning, Gwen," pagbati sa akin ni Eros pagkapasok na pagkapasok ko sa office. 


Ngiting-ngiti siya ah. Something good must've happened to him. 


"Y-Yeah. Good morning," I greeted back and smiled. I stared at him suspiciously as I made my way to my table. Inilapag ko na sa lamesa ang mga dala kong gamit at umupo na. "What happened? Ang saya mo yata?" I asked.

AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon