Chapter 13

667 48 0
                                    


It's a pleasant Friday night. I'm inside my apartment, just lying in bed. Kakauwi ko lang galing sa trabaho. It's been a tiring day.


Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong mag-ring. Kinuha ko naman iyon para tignan. Someone sent me a message. It's from Eros.


I'm on my way to your apartment. Let's grab dinner together.


Napangiti naman ako kaagad pagkabasa ko sa message niya. With a huge smile plastered on my face, I began typing my reply.


Sure. See you.


Matapos kong i-send ang reply ko, dali-dali na akong tumayo sa kama at lumapit sa closet para kumuha ng maisusuot. Siyempre, dapat mag-ayos ako, 'no. Ang dalang nalang naming magkita ng boyfriend ko, hindi ko pa ba bobonggahan?


Upon opening the closet doors, I was greeted by a plethora of clothes. My eyes landed on a beautiful rose gold satin dress. Bigay 'to sa akin ni Tita Pam. Matagal ko nang pinag-iisipan kung kailan ko ito susuotin, and I think this is the right time.


Nakangiting nagtungo ako sa tapat ng salamin habang hawak-hawak 'yung dress. I think it will look good on me.


Pumasok na ako sa banyo para maghilamos at magbihis. After that, nag-ayos na ako ng sarili. I put on some makeup and curled my hair.


Maya-maya pa, dumating na si Eros. He smiled as soon as I opened the door for him. He looks good as always.


"Hi," I greeted him with a warm smile. Bahagyang tumabi ako para makapasok siya. "Do you want something to drink?" I asked, closing the door. 


Nagulat naman ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya. Napahawak ako sa kaniyang dibdib. He's staring at me with his dreamy eyes. 


"Huwag nalang kaya tayong lumabas? Let's just stay here. I don't want others to see you like this," he sweetly whispered in my ear, causing my heart to race. His arm circled around my waist and drew me even closer to him. "You look beautiful," he said as he planted a kiss on my neck. 


Medyo kinilabutan naman ako dahil may kiliti ako sa leeg. "Hey, don't do that," natatawang sabi ko sa kaniya at napahawak sa aking leeg. "May kiliti ako sa leeg." 


Bahagyang natawa siya dahil sa naging reaksiyon ko. "Really?" He grinned. 


Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang tadtarin ng halik ang aking leeg. Hindi ko naman na napigilang mapahagalpak sa tawa. "Stop!" Tinapik-tapik ko siya sa braso. Muntik na akong matumba dahil nanghihina na ako sa kakakiliti niya, buti na lamang ay nasapo niya ako sa likod. "E-Eros." Kahit anong pagpupumiglas ko ay ayaw niya akong bitawan.


Nakahinga naman na ako nang maluwag nang sa wakas ay tumigil na siya. Hinampas ko siya sa braso at bahagyang lumayo na sa kaniya. 


"Wala na. Ayaw ko nang lumabas!" I pouted and jokingly rolled my eyes at him. "Nawala na lahat ng enerhiya ko sa katawan. Bakit kasi nangingiliti?" I crossed my arms over my chest and stared at his face. 

AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon