Chapter 1

34.2K 657 76
                                    


NAKAKABINGI ang musika at sigawan ng mga tao sa lugar na 'yun. She grimaced when a ray of light hit her eye. Hindi na dapat siya naninibago. She has been working here since eighteen.

"Sette, table no. 9." Sabi ng katrabaho niya sabay bigay sa tray na may lamang alak.

Tumango siya at tinungo ang table no. 9, mga grupo ng babae ang naroon, nagkakatuwaan. Kaswal siyang ngumiti saka nilapag ang tray.

"Here's your drinks, Ma'am." Sabi niya.

"You're so pretty!" Papuri ng isang babae roon na siyang namumukudtangi sa ganda.

Ngumiti lang siya dito.

"Oi, Czekiah shot na!" Sulsol ng kasama nito at inabot ang baso ng alak dito.

"Bad influence kayo, ha! Nursing tayo, masama sa katawan ang alak." Sabi ng babaeng nagngangalang Czekiah pero ininom naman nito ang inabot na baso.

Bahagya siyang yumukod para umalis at hindi sinasadyang napatingin siya sa kabilang table.

Their she saw the man who's probably son or nephew of the owner of EAI Bar. She's not sure if he's Quarto, Cinco or Sais, they have the same faces and she's one of the people who can't identify who's who.

Napalunok siya at napaiwas ng tingin ng mapansing nakatingin ito sa kanya. Palihim na pinagalitan niya ang sarili kasi hindi naman dapat siya mailang.

Nagkibit balikat na lang siya at lumapit sa counter kung saan naroon ang bartender nilang si Russo.

"Pagod ka na?" Tanong nito sa kanya habang naghahalo ng inumin.

Umiling siya.

She's twenty two, graduating na rin sa college kaya hindi siya pwedeng mapagod sa trabaho kung hindi wala siyang maisustento sa sarili para makapag-aral. Apat na taon na rin naman siya dito, sanay na siya sa palaging nakatayo.

"Nauuhaw ako, Russo." Sabi niya sa katrabaho.

Ngumisi lang ito at napailing. Binigay sa kanya nito ang alak na gawa nito.

"Inom ka, halatang nauuhaw ka na."

Kumunot ang noo niya, gusto lang naman niya ng tubig bakit inabutan siya ng ganitong klaseng alak?

"Mahal 'to? Alam mong hindi ko 'to afford." Aniya saka napailing.

"Just take it, babe. Libre ko na rin 'yan dahil kita kong nauuhaw ka na, you deserve a cold refreshing drink." Anito saka iniwan siya dahil inentertain ang paparating na lasing na babae.

"What can I do for you, Miss Ivy?" Tanong ni Russo sa lasing na babae.

Hindi na lang niya pinansin ang dalawa at nakatingin pa rin sa inumin. Sa huli ay ininon niya rin dahil nakakaakit talaga ang matingkad na iba't-ibang kulay ng inumin na 'yun.


"Marry me! I want you to marry me!" Pagsisigaw ng babae habang nakaduro kay Russo.

Muntik na niyang mabuga ang inumin. Russo shook his head smirking towards the woman.

"You might regret what you were saying, Miss." Nakangising saad ni Russo pero halata ang banta sa boses.

"Just marry me!"

Napailing na lang siya at tinapos ang inumin. Tumalikod na siya sa counter para ipagpatuloy ang trabaho ng may malaking bulto ang humarang sa paningin niya.

It's him!

Napasinghap siya but it's a wrong move, because she just inhaled his manly intoxicating scent.

"Russo." The man called her co-worker.

Napalunok siya at yumuko saka umiwas. Ni hindi nga siya makasabi ng excuse me sa amo niya!

Her knees were trembling when she's away from him. Tumungo na lang siya sa kusina at naabutan niya ang mga katrabaho na nagkakatuwaan pero agad ring tumahimik ng dumating siya.

They hates her, that's for sure. Hindi niya alam pero ng dumating siya rito ay hindi siya iniimikan ng katrabaho. Alam niyang maldita talaga siya, she has strong feautures, not masculine but fierce even if it wasn't intentional. Hindi rin nakakatulong ang pagiging palaban niya kaya mas lalong takot sa kanya ang katrabaho. Pero mas okay na rin 'yun, wala rin namang mapapala ang mga 'to kung maging kaibigan siya. She's poor.

She decided to go home. Saktong pag-uwi niya ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Balita rin sa TV niya na ngayon ang landfall ng bagyo.

Nagkibit balikat na lang siya at kumain. She's starving since earlier. Alas onse na rin ng gabi, mag-aalas dose na. Kadalasan ang uwi niya ay nasa madaling araw na. Pero ewan, bigla ata siyang napagod.

Pagkatapos niyang kumain ay niligpit niya ang pinagkainan. Mag-isa lang kasi siya, ulila na kaya natuto o napilitang tumayong mag-isa.

A loud knock from the door stop Crosette from wiping the table. Kumunot ang noo niya sa mapangahas na kumatok. Malakas ang ulan at may kasamang pagkulog at pagkidlat. Hindi naman posibleng kapitbahay niya iyon lalo pa't tatawagin naman ang pangalan niya kung may sadya ang mga 'to.

"Sino 'yan?" Tanong niya at naglakad papalapit sa pinto.

Pero tanging pagkatok ang lang isinagot nito.

Kung magnanakaw man 'yun ay wala itong mahihithit sa kanya. Kung mapagsamantala ay kaya naman niyang protektahan ang sarili.

"Sino nga 'yan?" Ulit na tanong niya pero katok lang rin ang isinagot nito.

She sighed and open the door.

Her heart almost run out from her ribcage as she saw who it is.

Ito ang lalaki sa bar!

"Hi, can I crash in?" Tanong nito na may ngiti sa labi. Taliwas na taliwas sa emosyon nito kanina sa bar, malamig at seryoso kasi ito doon o baka naman kakambal nito ang kaharap niya?

Napalunok siya. Mahigpit ang pagkakakapit sa pinto na tila ba doon humuhugot ng lakas.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa lalaki.

Nang tingnan niya ang kabuohan nito ay nakita niya na basang-basa ito, basa sa malakas na ulan. And because of his wet thin longsleeves, it fits his sculpted body perfectly. Bakat na bakat ang maskuladong katawan at batak-batak nitong tiyan.

"I'm freezing here. Can I get inside?" Marahang tanong nito.

Muli siyang napalingon at napatingin dito. She caught him staring at her lips. May kung anong kinang ang mata nito at alam niyang hindi iyon nakabubuti para sa sarili. He's a man and she's still a woman.

"Pasensya na pero hindi ako nagpapatuloy ng isang estranghero." Sabi niya at isinara ang pinto.

She sighed heavily. She just did the right thing.

Sais' Fiery Romance (4th Gen #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon