Chapter 32

13.9K 422 32
                                    

"Anong meron? Bakit nagkagulo?" Nagtatakang tanong niya kay Maegan ng mapansin ang mga abalang empleyado.

"Hindi mo alam, bes? May-ari ka ng kompanya tapos hindi mo alam?" Hindi makapaniwalang tanong ni Maegan.

Kumunot lang ang noo niya.

She was busy the fast few months dahil binibisita na rin niya ang mga branches nation-wide. If Sais is taking care of their branches outside the country, she's been handling their branches locally.

"Narito raw ang tagapagmana ng LGC. Magkasama pa nga silang pumasok ni Sais---sure kang hindi mo alam?"

Kinunutan niya lang ito ng noo.

Sais? Sais is here? At kasama pang pumasok sa kompanya ang tagapagmana ng LGC?

Why is that initial so familiar?

"Good morning." Bati ni Sais na hiniya namalayang nasa sumabay na pala sa kanyang paglalakad.

Ngumisi si Maegan at lumihis ng daan. Sa kakatingin nito sa kanya para tuksuhin siya ay nabundol ito kay Renzo dahilan para tumapon ang ice coffee ng lalaki sa suot nito.

Binelatan niya si Maegan saka bumaling sa binata pero agad na nawala ang ngiti niya ng makita ang isang babae na sumabay rin sa paglalakad ni Sais.


"Why did you left me there, Sais? Gosh!" The woman said.

Her brows furrowed whe. she heard that familiar voice. Napatigil siya sa paglalakad at nakatitig lang sa likod g binata at sa babaeng nakaangkala sa braso nito.

"Get off." Mariing saad ni Sais.

"Why would I? You know that you can't get rid of me because I'm your..."

Hindi na niya narinig ang sunod na sinabi ng babae dahil tuluyan na itong nakapasok sa opisina ni Sais.

Natuod siya sa kinatatayuan. Nanikip ang dibdib niya sa nasaksihan.

Anong ibig sabihin 'nun? Why is he with another woman?











"SHIT ka, mare. May chika ako sa 'yo." Hingal na saas ni Maegan na pumasok sa kanyang opisina.

Napukas siya sa malalim na pag-iisip at napaupo ng maayos.

"It's working hours---"

"Sure kang ayaw mong marinig ang chismis kay Sais?"

Natigilan siya sa sinabi nito.

"Ano?" Agad na tanong niya.

"'Yung babaeng---"

"Excuse me? Can I talk to the COO?"

Natigilan silang dalawa ng may lumabas sa pinto na nakakonekta sa opisina ni Sais.

Ito 'yung babae kanina. At napakapamilyar talaga ng mukha nito.

"You look familiar." Mataray na saad ng babae sa kanya.

Narinig niya ang pag-ingos ni Maegan sa tabi niya. Sinamaan niya ito ng para ayusin ang ugali nito. Baka isa itong cliyente.


"I'm actually planning to train here before handling our company." Sabi pa nito.

"Oh, baka naman nandito ka para landiin si Sais." Balasubas na singit ni Maegan.

"Maegan, huwag mo siyang bastusin!" Pigil niya sa kaibigan.

"You heard her? How dare you! I'm Sais' fiancé!" Sigaw nito.

"Maegan, bastusin mo siya." Mariing saad niya at bumaling sa babae.

Sais' Fiery Romance (4th Gen #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon