Chapter 10

17.1K 569 71
                                    

Sais:

I'm outside of your school, darling.

She put her phone on her pocket after reading his message. Niligpit niya ang mga gamit niya habang may nakabuntot sa kanya mula kanina pa.

"Uuwi ka na? Sabay tayo?" Maegan asked cheerfully.

She just look at her and walk away. Sumunod naman sa kanya ito.

"Hindi ko alam kung naging aso ka na o naging buntot na kita." Anas niya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Sabi ko sa 'yo, 'di ba? Gusto kitang maging kaibigan." Giit pa nito.

"Ayoko sa 'yo. At susunduin ako ng boyfriend ko." Sabi niya at binilisan ang paglalakad.

"'Yung may magandang kotse? Panigurado isang matandang uugod-ugod ang boyfriend mo. Mayaman lang siguro 'yun." Palatak ni Maegan.

"Napaka-balasubas talaga ng bibig mo, Maegan. Nahawa tuloy ang mukha mo."

"Excuse me?!"

"Dadaan ka?"

Inirapan siya nito. Nang makarating siya sa gate ay naabutan niya si Sais na nakasandal sa kotse nito, ibang kotse na naman ang ginamit nito, mas magarang tingnan. Mukhang bagong release ng Benj.

He look so hot while puffing his cigarette. Maraming nagtinginan na mga estudyante nito, ang iba ay tumigil pa talaga sa paglalakad para masilayan ang binata.

When he saw her, he quickly dropped the cigarette on the ground and step on it.

"S-shit. 'Yan ang boyfriend mo?" Gulat na sabi ni Maegan.

"Oo."

"Ayaw ko na palang maging kaibigan ka. Aahasin ko na lang boyfriend mo."

"Aahasin mo with consent?"

"Oo," wala sa sariling sagot ni Maegan.

Inilingan na lang niya ito saka lumapit na sa binata.

"Kanina ka pa?" Tanong niya rito.

Sais just shook his head and open the door for her.

"How's my darling's day?" Masuyong tanong nito ng makapasok ito sa kotse.

Uminit ang puso niya sa tanong nito. No one has ever asked her that, plus he sounds so comforting.

"Same as usual." Sagot na lang niya. She might bore him.

"What usual?" He asked as he drove the car away from her university.

"Like classes and unending gossips about me."

Sais brows furrowed. Nakita niyang humigpit ang kapit nito sa manibela. His veins is visible and that looks so hot. Her dirty mind flashes an image where Sais was choking her as they did it.

Her cheeks burned on that thought. Is she lusting over him  now?

"You want that to stop?" Mariing tanong ng binata na nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

Mahina siyang natawa sa tanong nito.

"Ang alin? Ang klase? Nababaliw ka na ba---"

"I can but I'm not talking about that. I'm talking about the gossips about you."

Oh.

Hindi muna siya nakaimik sa sinabi nito. Paano naman nito patitigilin? Bantaan ang mga estudyante? Bibigyan ng pera para manahimik?

She sighed and shook her head.

"Just let them. Wala naman akong magagawa, sila naman ang nagsasayang ng laway nila." Sabi niya.

Sais' Fiery Romance (4th Gen #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon