Chapter 8

16.6K 510 27
                                    


"Boyfriend mo may-ari ng kotse?" Pag-chichismis sa kanya ni Maegan.

Hindi niya ito sumagot at nagpatuloy sa paglalakad.

"May silbi rin pala ang pagiging pokpok mo, ah. Aahon ka talaga sa hirap niyan---"

Hindi niya ito pinatapos sa pagsasalita ng lingunin niya ito at binigyan ng sampal sa pisngi. Nanlaki ang mata nito sa gulat, nakita pa niya ang pamumutla ng labi nito sa takot.

"O baka gusto mo sa kaliwa naman para pumantay?" Tanong niya rito.

Nataranta naman itong lumayo.

"I-isusumbong kita kay Mama! I-ipapatalsik ka niya dito!" Tukoy nito sa Mama nitong titser.

"Gusto mo samahan pa kita?" Suhestiyon niya rito.

Mas lalong namutla ang babae. Inirapan niya ito.

"Sumbungera."

"Sana mabubuntis ka ng maagang pokpok ka!" Sigaw nito.

"Gagawin pa kitang Ninang."

The day went on with Maegan's nonstop glare. Hindi na lang niya pinansin ang babae dahil hindi naman siya nilapitan at ginulo.

She ate her lunch by herself, walang nagtangkang maki-upo sa mesang ginagamit niya. Maldita kasi daw talaga siya kaya maraming ilang sa kanya.

Bumagak ang pagnguya niya ng umupo si Maegan sa harap niya. May dala itong pagkain nito.

Inirapan siya ng babae.

"Ayaw kong makipag-away sa harap ng grasya." Agad na panguna niya rito.

"Sa ating dalawa ikaw 'ting mukhang naghahasik ng gulo. At saka wala ng ibang bakante." Irap nito at simulan ng kumain.

Tahimik lang silang dalawa. Ang mga naroon sa canteen ay panaka-naka ang tingin sa kanilang dalawa dahil baka bigla na lang silang magsambunutan.

Pero matiwasay naman silang kumain. Nauna siyang natapos at akmang tatayo ng magsalita si Maegan.

"Bastos kung aalis ka sa hapag habang may kumakain pa." Anito.

Kumunot ang noo niya.

"Kasalanan ko bang mabagal kang kumain?"

"Hindi ka ba makapaghintay?"

"At sino ka naman para hintayin? Kapal mo, ah." Anas niya at iniwan ito.

Naglakad na siya palabas ng canteen. Malayo-layo na siya ng maramdaman niya ang papalapit nitong hakbang. Inignora niya ang babae, hindi niya alam kung anong trip nito at nakabuntot sa kanya. Wala ang mga alipores nito.

"Crosette." Tawag nito.

Nagpatuloy lang siya hanggang sa naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang balikat.

"Bingi ka ba?" Asik nito.

"Ano bang gusto mo?" Diretsang tanong niya rito.

Bahagyang napanguso ang babae.

"Gusto kitang maging kaibigan." Sabi nito.

Tinitigan niya ito. Hindi niya alam kung matatawa siya o ano.

Ngumisi lang siya dito.

"Pwes ako, hindi."







SHE stroll around the city trying to find another job. Wala na siyang mapapasukan sa EAI Bar. The time she sat down on that chair with Sais, exchanging kisses and when they reached his VIP room, she already lose her job.

"Sayang at kaka-hire lang namin ng bagong cashier. Doon ka na lang sa kabilang café baka nangangailangan sila ng tauhan." Sabi ng may-ari.

Tumango siya at ngumiti.

Sais' Fiery Romance (4th Gen #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon