Thereafter / 17

141 9 5
                                    

Crista's POV
***

"ANO YAN?!" Sabi ko. Nagulat ako nang tumambad sa harapan ko 'tong si Andrae.

"Binati ka ng 'hello', tapos sisigawan mo." Sabi ni Andrae. "Manners naman jan."

Sinimangutan ko siya. "Eh kase nga. Bakit may dala kang ganyan?"

"Para sayo." Sabi niya.

Ano?!

"Ha?! Ayoko uy. 'Di ako marunong mag-alaga." Sabi ko.

"Sus. Manloloko nga naalagaan mo ng apat na taon, ito pa kaya si Baby Tzuuu." Walanjo naman 'tong si Andrae oh. Nagpacute pa sa aso.

Oo. Aso ang dala niya. Isang shihtzu.

"Eh Andrae. Di naman ako marunong. Tsaka gastos lang yan." Sabi ko.

"Edi hati tayo." Sabi niya. "Matagal ko na 'to dapat binigay sayo pero hinintay muna mag-3 months bago irelease. Kumpleto na rin yung vaccines at deworming neto kaya wala ka nang aalahanin pa. Yung anti-rabies nalang next next week."

"Eh yung pagkain—"

"TENEN!" Nako talaga 'to.

"Andrae.."

"Sige na, Crista. Tanggapin mo na. 'Di ka ba naaawa kay Baby Tzuu?" Jusmiyo. Magpacute raw ba.

Sa katunayan, ang cute nung aso. Tri-color. Pero kase 'di ko alam kung kaya ko ba. Alam kong malaking responsibilidad ang mag-alaga ng aso.

"Sige na, Mama. Tanggapin mo na akooo~" lecheeee Mama ka jan.

"Sige na! Sige na!" Ano ba 'tong pinasok ko. Wala ng atrasan 'to.

"Yehey!!!!" Sabi niya. "Oh hawakan mo muna siya kase bubuhatin ko 'tong sako ng pagkain niya." Inabot niya sakin si Baby Tzu. Ang amo ng mukha.

Nagulat ako ng nilapitan niya ako. Inamoy amoy tsaka dinilaan. Awwww.

"She likes you." Sabi ni Andrae.

Kunot noo ko siyang tinignan. "Eh bakit mo ba ako binigyan neto? Tsaka mahal 'to ah!"

"Para madistract ka. Dogs can take your stress away." Sabi niya. "Tsaka bigay lang yan ng landlord namin. 'Di namin maalagaan kase masisikipan siya dun sa apartment kaya dito nalang siya."

Wow. Ginawa pa akong caregiver ng mga 'to.

"Basta ang usapan ha! Hati tayo sa gastos!" Sabi ko. Abah. Magastos kaya mag-alaga nito.

"Ikaw kahit kailan, kuripot ka talaga." Sabi niya. Abah syempre! "Oo na."

-

Nasa bookstore kame and guess what?

Kasama si Baby Tzu. Nakasabit siya sa harapan ni Andrae. Akalain mong parang baby rin pala 'to.

Tsaka 'di lang pagkain ang dala ni Andrae kanina. May dala rin siyang chew toys, treats, pampers, pee pads, bowls at carrier na parang backpack pero sa harapan nakasuot (heto nga't gamit na niya). Sinagot na raw yun nung anim.

"Pagkatapos natin dito, daan tayo ng department store. Bilhan natin siya ng leash." Sabi ni Andrae.

"Para san naman?" Sabi ko.

"Para makalakad siya. Pasyal ganon." Sabi niya.

Hay. See? Gastos.

Thereafter [Adameon High Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon