Thereafter / 19

149 10 7
                                    

Crista's POV
***

Natapos na ang OrSem. Si Andrae, ok naman. Pero nagsspaceout.

Habang nauuna silang maglakad ay kasabay ko naman si Paolo at June.

"Sino yung Aiyanna?" Binulungan ko lang sila. Baka kase alam nila eh.

Syempre, makikichismis ako. Ngayon ko lang kase nakita si Andrae na ganun.

"Bff ni Andrae." Sabi ni Paolo.

"Si Aiyanna Sabella Castillo.." sabi ni June. "Nakakasama na rin namin siya noon pero mas close sila. As in, super close."

"Eh, bakit 'di sila nagusap kanina?" Nakatingin lang kase si Andrae sakanya kanina. Napatingin naman yung Aiyanna pero 'di niya pinansin si Andrae. Bff quarrel ba?

"Kase, si Aiyanna, may boyfriend na." Sabi ni June.

Ahhhh. Medyo gets ko na. Parang pareho rin pala samin ni Abo..

So..

"Ibig sabihin ba nun may gusto si Andrae sakanya?" Sabi ko.

"It's the other way around." Sabi ni Paolo. "Si Aiyanna ang may gusto kay Andrae."

Awww.

Eto talaga ang problema minsan sa magbe-bestfriends eh.

"Tapos? Ok lang kay Andrae na 'di na sila nagkikibuan?" Sabi ko.

"Wala naman siya magagawa eh." Sabi ni June. "Desidido si Aiyanna na iwasan siya."

"Yan naman kasing si Andrae. Almost 9 years silang magkakilala ni Aiyanna.. In love sakanya yun ng 7 years."

Halos mapasigaw ako pero buti napigilan ko. "ANO?! 7 YEARS?!" 

"Shhhh" sabi ni Paolo. Medyo malayo na rin naman sila at maingay sa campus kaya 'di naman siguro nila maririnig.

EH SA GULAT AKO EH -____-

"Oo, 7 years. Aiyanna decided to distance herself nung 2nd year kame sa PolSci. Magkaklase kase kame sa Accountancy. Tapos since nafail namin yung major, nagshift kame." Sabi ni June. Oo. Mas matanda sila sakin ng dalawang taon. Nagshift din sila nung first year ako kaya naging blockmates ko sila. Konti lang din ang mga nacredit na subjects nila noon kaya madalas, nakakasama ko sila sa mga activities and projects ng minor subjects.

"Grabe naman yun." Sabi ko. "Ang tagal naman!"

"Exactly." Sabi ni Paolo. "Pero nauwi lang din sa ganyan. He didnt want to risk their friendship pero ayan, in the end, naghiwalay pa rin sila."

Awww.

Ano ba 'tong si Andrae? Ang ganda naman nung si Aiyanna eh. Bat 'di niya trip?

Sabagay, bff daw eh.

Pero grabe. 7 years..

-

Nandito kame ngayon sa apartment nila. Naga-advance reading na sila. Kame nina Andrae, Paolo at August, kakatapos lang namin. Buong araw kami nagbasa kaya pahinga na kami ngayong gabi.

Sina Paolo at August, nasa kwarto nila. Ayun, tulog. Naantok ng sobra sa Civil at Criminal Law.

Habang nagsscroll ay biglang tumunog yung tiyan ko. Nako. 'Di pa pala ako kumakain.

"Tara dinner?" Sabi ni Andrae.

"Libre mo?"

"Tss. Kuripot." Sabi niya. MALAMANG! Gusto pang lumabas eh pwede naman magdinner dito sa apartment nila. "Oo na. Tara." Tumayo ako at sabay na kaming lumabas.

Thereafter [Adameon High Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon