Thereafter / 10

211 17 20
                                    

3rd Person's POV
(Mej SPG)
***

"Nakipaghiwalay ka talaga sakanya?"

Ginulo ni Clein ang buhok nya at hinampas ang manibela ng sasakyan nya. Nasa loob sila ngayon ng kotse nya.

"Akala ko ba mahal mo sya?"

Nanggagalaiti si Clein. Di nya alam kung anong gagawin. Ngayon, medyo nagdadalawang isip na sya kung tama bang nakipaghiwalay sya kay Crista.

Of course, Clein. Tama yon. Pagkatapos ba naman ng ginawa mo? There's no turning back now.

"Demi, pwede ba?! Tumahimik ka muna!" Sabi ni Clein.

Tumawa ng bahagya si Demi at umupo paharap kay Clein. "Oh bat ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ako eh."

"Demi, please, not now."

"Siguro karma na rin 'to ni Crista sa ginawa nya sainyo ni Brian." Sabi ni Demi. "Nahirapan kayong dalawa dahil lang sakanya."

"DIBA SINABI KONG TUMAHIMIK KA MUNA?!" Napaatras si Demi pero di sya nagpatinag.

"Tinawagan mo ba ako para lang sigawan?" Sabi ni Demi. "Ano bang kailangan mo?"

"Alam na ni Tao." Sabi ni Clein. "Nabasa nya text mo nung nakaraan. Kung di ka ba naman kase—"

"Oh tapos? Ano ngayon kung alam nya? Wala rin naman syang magagawa dun. Nangyari na, Clein. Tsaka nakipaghiwalay ka na kay Crista."

Tahimik lang si Clein. Kanina pa sila nasa loob ng sasakyan nya. Nakipagkita sya kay Demi pagkatapos ng sagutan nila ni Tao. Madaling araw na at malakas pa rin ang ulan.

Di sya nakatanggap ng text o tawag galing kay Crista. Mabuti na rin yon. Dahil baka bawiin nya lang lahat ng sinabi nya.

Pero paano nya babawiin kung kasama nya ngayon si Demi? Paano nya babawiin kung pinapatay sya ng konsensya nya?

"Dont tell me nagsisisi ka?" Sabi ni Demi. "Ngayon pa ba? Ngayon mo pa ba pagsisisihan ang nangyari satin nung gabing 'yon?" Napatingin si Clein sakanya. Bakas ang galit at lungkot sa mga mata nito. "Oh bakit? Pareho nating 'di inakala na mangyayari 'yon. Pero andun na. Nangyari na."

"Just accept the fact that once upon a time, you cheated on her." Sabi ni Demi. "Di na rin naman mahalaga 'yon kasi hiwalay na —"

"Pinagsisisihan ko yun, Demi." Sabi ni Clein. "Pinagsisisihan ko 'yun..."

"Nagsisisi ka? Nagsisisi ka na ngayon dahil nalaman ni Tao?" Sabi ni Demi. "Eh nung wala pang nakakaalam, ok lang ah? 'Di mo nga ako nirereplyan kahit nakakailang pangaasar na text na ako sayo para ipaalam na sooner or later, malalaman din ni Crista yon." She crossed her arms and looked at Clein. "Buti nga ito lang ang nalaman ni Tao eh."

"Tumahimik ka." Sabi ni Clein.

"Why, Clein? Makeout lang yon. Wala namang big deal dun. Well, atleast not for me. Kinailangan mo yun, andun ako. Andun tayo. It happened. Get over it."

Thereafter [Adameon High Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon