Thereafter / 9

863 46 55
                                    

3rd Person's POV
***

Umuulan ng malakas habang si Crista ay naglalakad sa tabi ng kalsada. Di nya maintindihan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito ngayon.

"Magpahinga muna tayo."

Paulit ulit na bumabalik sa isip nya ang mga katagang sinabi ni Clein sakanya.

Di pa rin sya makapaniwala na binitawan sya ng lalakeng pinaglaban nya—ng lalakeng pinili nya.

"Let's break up, Crista."

For the 2nd time, narinig nanaman nya ang mga katagang ito galing kay Clein..

"Ano bang ginawa ko, Clein? Lahat naman ng bagay ginawa ko na. Nagadjust ako, inintindi kita, pinili kita–pinaglaban kita. Lumaban ako para sa'ting dalawa, paulit ulit akong lumaban.." (Crista)

"Bakit ako lang yung laging lumalaban? Bakit ako yung laging binibitawan?" (Crista)

Yakap yakap ni Crista ang sarili nya. Basang basa na sya at may lagnat na pero di nya ito maramdaman dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ng puso nya ngayon.

Una si Abo..

Ngayon naman si Clein..

Pagkatapos ng nangyari sakanila ni Clein sa hospital ay di nakayanan ni Crista ang manatili ro'n. Gusto nyang umuwi pero di sya titigilan nina Kai. Tumakbo sya at lumiko san san para di sya mahabol nina Lori at Tao. Kahit sya ay di na alam kung san sya napadpad. Ang tanging ginagawa nya lang ay ang maglakad sa kung saan man sya tahakin ng kanyang mga paa.

Gusto nyang mapag-isa. Gusto nyang magkaroon ng sagot ang mga 'bakit' sa utak nya.

Bakit iniwan nanaman sya ni Clein

Bakit mahal pa rin sya ni Brian hanggang ngayon

Bakit di sya magawang ipaglaban

Bakit sya iniiwan

At kung..

Bakit sya naguguluhan..

Alam naman nya sa sarili nya na mahal nya si Clein. Sobrang mahal. Pero sa apat na taon na lumipas, di nawala sa isip nya si Brian. She'll be lying kung sasabihin nyang kailanman, 'di nya naisip..

Kung paano nga kung si Brian ang pinili nya?

Masaya kaya sya? Masaya kaya sila?

Di maintindihan ni Crista ang sarili nya. Nahihirapan sya. Hirap na hirap sya.

There's a thin line between loving the one you love and choosing the one who loves you.

She chose the former dahil alam nyang mahal sya ni Clein.

Pero may pagmamahal bang ganito? Yung iiwan sya nang paulit ulit? Yung kayang kaya na mawala sya? Yung bang bibitawan sya kung kailan nito gusto?

May tumigil na sasakyan sa harap nya. Di tumigil si Crista sa kakalakad nang biglang may humablot ng braso nya.

"Si Clein.." (Crista)

Thereafter [Adameon High Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon