Thereafter / 22

152 10 9
                                    

Crista's POV
***

Nandito kame sa apartment nila ngayon. Grabe. DI AKO MAKAMOVE ON KAY ATTY. OCAMPO!

Pero.. Parang familiar yung Ocampo.. San ko ba yun narinig? Hmm. Yaan na nga. Generic naman ang Ocampo eh. Daming Ocampo sa Pilipinas.

ANG HINDI GENERIC EH YUNG KAPOGIAN NI ATTY. Hihihihi

"May crush siguro sayo si Atty, Crista." Sabi ni Mylen. "Titig na titig sayo eh."

ENEBE (ノ▽〃)

"Gwapong gwapo ka naman. Eh mas gwapo naman kame don. Tss." Sabi ni Andrae. Binatukan ko nga. Katabi ko kase siya dito sa sofa nila. Epal talagaaaa!

"Eh gwapo naman talaga eh!" SOBRA! Kahit gisahin niya ako, ok lang!

Char. Syempre, 'di ok (  __ __)

"Halata nga. Sa tana ng buhay namin, kanina ka lang namin nakitang ganun mag-recite. Parang 'di ikaw." Sabi ni June. Tss. NAKAKAHIYA!

"Oo na." Sabi ko. Babawi ako sa wednesday! HMPF! MAKIKITA NIYO!!!

"Kabado siguro." Sabi ni Kent. "Crush mo si Atty noh?"

Halasya. GRABE HA! "Hoy grabe ka naman! Abogado na yon!" Sabi ko. Pero pwede rin. Crush lang. ANG GWAPO KASE! (〃ω〃)

"So? Kung 'di pala abogado? Anong gagawin mo? Susunggaban mo?" Sabi ni Andrae. Tamo 'to. Epal!

"Pwede rin! Hehehehehehehe" sinamaan naman niya ako ng tingin. "PWEDE BA HAYAAN NIYO KONG MAHUMALING AT IAPPRECIATE ANG KAGWAPUHAN NIYA?" Grabe. Ilang taon din ako nawalan ng kilig sa katawan. PAGBIGYAN NIYO NA AKO! ('つヮ⊂)

"Tss." Tumayo si Andrae at pumasok sa kwarto niya. Nilakasan pa yung pagsara ng pinto. Anyare don? Nagdadabog?

Bah. 'Di lang siya ang gwapo sa balat ng earth ha! Madaming gwapo!

Sadyang NAPASOBRA lang yung kay Atty. Ocampo (ノ∇≦*)

"Paktay. Selos si Master Andrae." Sabi ni Miles. Sus. Selos selos. Buti nga kabilang pa siya sa listahan ng mga gwapo dito sa mundo eh.

"Sus. Hayaan nyo siya." Sabi ko. Sumpungin tss.

Umalis na yung iba. Sina June, tumungo sa dining table. Sina Kent at Miles, tumungo sa kwarto. Si August, kanina pa nasa kwarto. Si Mylen naman, nandun sa computer, naglalaro.

"Ikaw talaga, Crista. Oh ano? Ako nalang maghahatid sayo." Sabi ni Paolo sabay bigay sakin ng helmet. Makaka-hinde pa ba ako? Eh inabot na niya yung helmet -___-

Tinignan ko naman yung pinto ng kwarto ni Andrae. "Yaan mo na yun. 'Di nakakamatay ang selos." Sira talaga 'tong si Paolo. Palibhasa gwapo rin eh.

BAKIT BA EVERSINCE THE WORLD BEGAN, NAPALIBUTAN NA AKO NG MGA MAGAGANDANG NILALANG?! PINAGPALA BA AKO?! Tsss. Sana all pinagpala (¬_¬)

Nang makarating kame sa bahay ko, "Salamat sa paghatid ha." Sabi ko. Inabot ko sakanya yung helmet niya. "Ingat ka sa paguwi ha. Text mo ko pag nasa bahay ka na."

Tumalikod na ako at binuksan na yung gate nang magsalita siya. "Crista."

"Hmm?"

Medyo matagal siyang nakatingin sakin na parang may gustong sabihin. Lema kaya neto? "W–Wala. Sige pasok ka na dun sa loob." Sabi niya. Bakit kaya yon? Hmm.

Nagpaalam na ako sakanya tapos pumasok na ako. Narinig ko naman yung motor niya. Nakaalis na siya.

Pagpasok ko, sinalubong ako ni Baby Tzu.

Thereafter [Adameon High Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon