Thereafter / 8

581 47 37
                                    


Crista's POV
***

Bumalik na kame sa loob ng hospital pero nanatili kame dito sa may waiting area sa ground floor.

"Nasa mcdo raw sina Kai at Chen. Kasama raw nila kanina si Baek kaya lang nagmamadali raw umalis. May importanteng pupuntahan." Sabi ni Tao. "Si Lori, naglilibot sa hospital na 'to. Yung iba naman raw, bibisita sa sabado. Medyo busy pa raw eh."

"Eh sinong—"

"Si Demi." Sabi niya. Bakit ko pa ba tinanong? Tumango ako ng tipid at pinanuod ang palabas sa tv.

Demi will forever hold a grudge on me. Kahit magkaibigan kame, kapag si Abo ang usapan, bumabalik ang inis at galit niya sakin. I couldn't blame her for saying those things to me this morning. I can't blame her for getting mad at me again.

I shook my head at nanuod nalang. "Alam mo, maganda ang movie na yan." Sabi ko kay Tao. Palabas kasi sa Starmovies yung Love, Rosie.

"Anong maganda jan? Eh ang boring na nga, ang korny pa."

"At sayo pa nanggaling lahat ng tungkol sa pagmamahal kanina ha." Sarkastiko kong sabi. "Wala lang. Inspiring pero masyadong paasa."

"Inspiring cause it shows that no matter how long two people are apart, if they're meant for each other, they'll find themselves back into each others arms in the end." Sabi ko.

"Masyado nga lang paasa dahil pinapaasa niyan ang mga taong naiwan na baka balang araw, magtatagpo muli ang landas nila ng TOTGA nila. Ang paasa diba? Magtitiyaga kang maghintay sa bagay na walang kasiguraduhan."  Sabi ko.

"Tsaka iisipin nila na dahil nangyari kina Rosie, mangyayari na rin sakanila. Hindi ganyan kabait ang tadhana." Sabi ko.

"Nakadepende sa tao yan kung magpapadala ba sila sa imahinasyon nila o sa realidad." Sabi niya. "Tsaka pwede ba? Tama na ang hugot. Naubusan na 'ko."

Napangiti ako. "Loko ka talaga." Sabi ko.

"Siya nga pala, Crista."

"Hm?"

"Kailan mo sasabihin samin? Kailan mo sasabihin kay Clein?"

Kunot noo ko siyang tinignan. "Huh? Anong pinagsasabi mo? Anong sasabihin?

Tinaasan niya ako ng kilay. Ilang saglit lang ay nakuha ko rin kung anong ibig niyang sabihin.

Sh-it.

"P—Paano.."

"So kailan mo nga balak sabihin samin, ha?"

Lagot.

-

Clein's POV
***

Nasa loob ako ng kotse ko. 'Di pa rin tumitila ang ulan.

"Mahal ko si Brian."

"Mahal ko si Brian."

"Mahal ko si Brian."

Thereafter [Adameon High Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon