CHAPTER 1

941 18 2
                                    

"Elena tumakas na kayo ng anak natin" saad ng hari sa kanyang asawa na bitbit ang walong buwan gulang nilang anak.

" Pero di ka namin iiwan" maiyak-iyak na saad ng reyna, naglalaban-laban ngayon ang Magical Kingdom kasama na ang apat na kaharian laban sa Dark Moon Kingdom.

"Sige na mahal, alang-alang sa anak natin" saad ng hari at hinalikan ang reyna sa noo pati narin ang anak nila. Walang nagawa ang reyna kundi umalis dala ang anak nila, at napadpad sila sa Castell Forest. May nakitang panulat, papel, at basket ang reyna, inilagay niya muna ang bata sa basket at kinuha ang papel at ballpen saka isinulat ang pangalan ng bata.

Pagkatapos niyang gawing gawing yun ay nilagyan niya ng markang ang prinsesa na hindi matanggal kahit kailan, isa itong tattong sunflower na nakalagay sa kaliwang pamulsuhan nito. Naramdaman ng reyna na may naglalakad papalapit sa gawi nila kaya't dali-daling itinago ng reyna ang anak nila.

"Ibigay mo ang anak mo" sigaw ng kalaban nais kasi nilang makuha ang prinsesa dahil sa taglay na lakas nito, hinalikan mona ng reyna ang prinsesa sa noo

"mahal na mahal ka namin anak" saad nito, bigla nalang umilaw ang kamay ng reyna at nawala na ang basket Dàla ang bata. Nakipaglaban ang reyna sa kalaban ngunit may isa pa palang kalaban sa likod, nasaksak siya nito at kaagad na bumagsak sa lupa ng duguan.

***********
"Merry Christmas mare"
"Oh mare ikàw pala, merry Christmas"
"Eh Nasaan na Ang inaanak ko,mare"
"Nasa loob, teka lang tawagin ko lang" di nagtagal ay dumating na Ang mare ko at Ang inaanak ko,lumapit ito saakin at nagmano.

"Merry Christmas Po ninang"
"Merry Christmas, oh ito pamaskuhan ko sayo"
"Thankyou po ninang"
Saad ng inaanak ko at umalis na.

"Hayst, Sayang naman at wala akong inaanak sayo"
"Aish, naku!naku mare okay lang yan,oh siya aalis na ako pagka't ako'y magluluto pa."
"Oh Sige"

Lumabas na ako sa bahay ng mare ko at nagsimula ng maglakad. Nakarating na ako sa isang madilim na daanan at may narinig akong iyak ng bata.

"ONGA! ONGA! ONGA!"

Hinanap ko ang pinagmulan nito ng may nakita akong isang basket,nilapitan ko ito at tiningnan. Laking gulat ko ng Makitang isang sanggol ito, tiningnan ko ang paligid pero walang katao-tao, kinuha ko na ang basket na may lamang sanggol at iniuwi ko na ito. Pagkarating ko sa bahay at kinarga ko ang bata at hinili ito, babae ito at napa cute nito, may nakita akong papel sa basket kaya't kinuha ko ito at binasa.

"Kiyumi Hensley?!"

[1.0] "THE LONG LOST PRINCESS OF THE MAGICAL KINGDOM"Onde histórias criam vida. Descubra agora