CHAPTER 26

447 14 0
                                    


Kiyumi POV
"Sibuyas check! bawang check! Petchay Check!"saad ko, nandito kasi ako ngayon sa palengke bumili ng uulamin namin ni mama na petchay.
"90.00 pesos Po lahat"saad ng tindera, inilahad ko na ang pera at naglakad na ako. Nang nasa gitna na ako ng highway ay napunit ang plastic na pinaglalagyan ng mga pinamili ko kaya't agad akong umupo at pinamulot ang mga ito,

"BEEEPPP!!!" busina ng sasakyan , pumikit ako hanggang sa may naramdaman nalang akong may bumuhat saakin at tumatakbo kaya't dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, nagulat ako ng makita kong naging yelo ang lahat ng tao pati sasakyan,

Anong nangyari?,

Tinakpan ng taong bumubuhat saakin ang mga mata ko at di nagtagal ay ibinaba na ako nito. Iminulat ko na ulit ang mga mata ko at tiningnan ang mga sasakyan at mga tao sa kalsada na kanina'y parang naging mga yelo pero ng tiningnan ko ulit, ito'y normal naman.

Tiningnan ko ang taong nagligtas saakin, diko Makita ang mukha niya, naka suot siya ng itim na Jacket na may hood, at may nakaburdang parang snowflake. Inilahad na niya ang mga binili ko, tinanggap ko naman ito at tumalikod na siya pero agad ko itong pinigilan.

"Sandali, Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ko sakanya, pero ilan segundo angpaghihintay ko ay Wala akong natanggap na sagot.

"Ahh ehh Sige wag nalang ahm thankyou pala" saad ko, nagpatuloy na ito sa paglalad habang ang dalawang kamay nito ay nasa bulsa. Tumalikod narin ako at naglakad na pauwi.

***
Ibinigay ko na Kay mama ang mga pinamili ko at ilang minuto ay naluto na ito kaya't nagpunta na kami sa hapagkainan.

"Ahm Kiyumi, kumuha kanga ng dalawang Piso sa kwarto, doon sa may kabinet at bumili ka ng Toyo"utos ni mama kaya't tumayo na ako at nagtungo na sa kwarto. Binuksan ko na ang kabinet at kumuha ng dalawang Piso pero may nakaagaw pansin saakin na isang papel,
"ano kaya to?"tanong ko sa sarili, kinuha ko naman ito at binasa,
"princess Kiyumi Hensley" basa ko na ikinagulat ko, teka ito lagi ang napapaginipan ko ah! Ito kaya ang totoo kong pangalan?

Kinuha ko na ang papel at inilagay ito sa bag ko. Lumabas na ako at bumili na ng Toyo at pagkatapos ay nagtungo na ako sa hapagkainan at kumain.
"Ahm ma, puwede bang magtanong?"saad ko Kay mama, tumingin naman ito saakin na tila nagtataka.
"Ano Yun anak?"saad niya
"Ahm ma, princess Kiyumi Hensley Po ba Ang totoo kong pangalan?"tanong ko, oo alam kong ampon lang ako pero diko alam yung totoo kong apelyido, gulat namang napatingin saakin si mama.

"Paano mo Nalaman?"
"Ahm may nakita Po kasi akong papel na may nakasulat na Princess Kiyumi Hensley" sagot ko, huminga naman si mama ng malalim saka nagsalita.
"Oo anak" sagot niya at ngumiti.
"talaga ho!" Masaya kong saad at tumango naman si mama.

"Ma may nalalaman Kaba kong Saang Lugar naninirahan ang mga Hensley?" umiling iling naman siya pahiwatig niya di niya rin alam.

"Hindi ko rin alam eh, bago lang saakin ang apelyido na yan eh" sagot ni mama na ikinalungkot ko. Hinawakan ni mama ang isa kong kamay,
"Sana anak ay mahanap mo ang na Ang totoo mong mga magulang at Sana kapag nahanap mo na sila ay wag mo akon kakalimutan" saad ni mama,

"ma naman para ka namang namamaalam" tumawa naman ito
"oo naman po ma, di kita kakalimutan ikàw kaya ang the best"

"oh siya kumain na tayo"saad ni mama at kumain na kami ng maalala ko ulit yung kanina,

sino yung tao na Yun? alam kong lalaki Yun, halata kasi, at paano naging yelo ang mga tao at mga sasakyan?

"Bakit anak?"biglaang tanong ni mama, napansin niya sigurong tulala ako,
"ah Wala Po"saad ko at umiling-iling,

[1.0] "THE LONG LOST PRINCESS OF THE MAGICAL KINGDOM"Where stories live. Discover now