CHAPTER 3

564 16 0
                                    


Kiyumi POV
"Kiyumi! kiyumi!" Sigaw ni Tiff habang tumatakbo papunta sa gawi ko.
"Bakit?"tanong ko ng nakarating na sIya sa gawi ko,

"a-no ka-si, ano--" di maintindihang saad nito dahil sa pagod, hinawi ko naman ang likod nito at umupo kami, kalaunan ay kumalma narin siya.

"bat kaba kasi tumatakbo, ano pala ang sasabihin mo?"tanong ko sakanya, lumapad naman ang ngiti nito at tumingin saakin.

"Bess may limang kalalakihan daw na magtratransfer!!!"masayang saad nito sabay hampas sa braso ko,

ayst akala ko kong ano na!,

" Aray ko, tama na, masakit na braso ko" saad ko kaya't tumigil na ito saka nag peace sign,
"HEHE sorry Bess, naeexcite lang ako, Sana ay kaklase natin sila"saad nito kaya't pintik ko ang noo niya.
"Aray ko naman bes"saad niya sabay pout, tumayo na ako at tiningnan siya,
"Tara na"saad ko,
"ayoko, nagtatampo ako sayo" saad naman niya pero ngumiti lang ako at tumalikod sakanya.

"Bahala ka, pupunta ako sa canteen at Bibili ng ICE CREAM atska HAMBURGER" at mas diniinan pa ang salitang Ice cream at hamburger, alam kong paborito niya kasi ang mga ito,
"uyyy teka lang" saad niya at tumakbo papalapit saakin, niyakap nito Ang isa kong braso at naglakad na kami papuntang canteen.

Ace POV
Naglalakad kami ngayon sa isang hallway, Todo naman bulungan ang mga estudyante.

"Ang gwapo Nila"
"Oo nga yiee"
"Yung gray hair, bagay sila ni Queen Bee"
"Gosh, Sana kaklase natin sila"
At iba-iba pang bulungan,

"Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo?" bulong ko kay Jace pero suminghal lang ito.

At ano raw bagay daw Ako sa Queen Bee Nila? Kulay gray kasi ang buhok ko, at sino naman kaya ang Queen Bee Nila?

Huminto na kami sa Dean's Office at pumasok na.
"Hello, ako pala ang dean, halikayo't umupo" saad ng dean, kaya't umupo na kami.
"Hello po dean, nais po Sana naming mag pa enroll" saad ni Kaizer,
"okay, ano pala ang mga pangalan niyo?"tanong nito saamin.

"Ako pala si Ace" saad ko
"Ako pala si Jace"
"Aki Po si Troy"
"Ako Po si Kaizer, kambal ko Po si Troy"
"I'm Klenn"
Pagpapakilala namin.

"Nagagalak ko kayong makilala" ngiting saad nito at may inasikaso, kalaunan ay
" anyway, nasa section A kayo, ito ang schedule niyo, PE, uniform at ito rin ang susi ng locker niyo, at bukas na bukas din ay pumasok kayo"saad nito kaya't kinuha na namin ang mga ito, nagpasalamat kami at lumabas na.

[1.0] "THE LONG LOST PRINCESS OF THE MAGICAL KINGDOM"Место, где живут истории. Откройте их для себя