CHAPTER 4

556 15 0
                                    


Kiyumi POV
"TING! TING! TING!"
dali-dali kaming pumunta sa classroom namin at umupo sa kanya-kanya naming upuan.

"Bess sabi ng ilang estudyante na nadoon sa Dean's Office ay nasa section A daw ang limang transferee, ibig sabihin ay kaklase natin, excited na akong makilala ang limang gwapong transferre" galak na saad ni Tiff. Dumating na Ang adviser namin at tumayo sa harapan,

"Good morning class, mayroon pala kayong bagong mga kaklase, gentlemen's please come in" saad ni ma'am, halos buong kaklase ko ay naghihintay, tiningnan ko naman si Tiff, "Bess ito na!" Saad niya at binaling ko na ulit ang tingin ko sa pinto. Isa-isang pumasok ang mga kalalakihan at nagsotilian naman ang mga kaklase kong babae,
"class quite!!!"inis na suway ni ma'am kaya't nagsitahimik ang lahat.
"Nagpakilala na kayo" saad ni ma'am sa Lima,

"I'm Jace Hixel"
"I'm Kaizer Siastes"saad ng Kay pula ang buhok.
"I'm Troy Siastes, twin of Kaizer"saad niya sabay turo sa nagngangalang Kaizer
"I'm Ace Miller" saad naman ng gray ang buhok, at Ang pinakahuli sa kanila
"I'm Klenn Zavier"cold na saad nito at tumingin sa gawi ko.

"Sige maupo na kayong Lima, doon sa likod ni Ms. Kiyumi at Ms.Tiffany"saad ni ma'am at nagtungo na sila sa likod namin.

Tiningnan ko si Tiff pero nagtatakip ito ng mukha niya gamit ang notebook,

Anong nangyari sakanya? kanina ay excited siyang makilala ang lima ngayon ay para siyang kriminal kong makatago sa mukha niya.

"Okay class, we will start our discussion"saad ni ma'am kaya't itinuon ko na ang tingin ko kay ma'am at nagsimula ng magklase.

*DISCUSSION! DISCUSSION! DISCUSSION*

"TING! TING! TING!"
yes salamat naman at recess na gutom na kasi ako,mabilis na nagsialisan ang mga kaklase ko, tumayo na rin ang limang transferre at nagsimula ng maglakad,

"Tiff tara na--"napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko si Tiff na seryosong tintingnan ang limang transferre na ngayon ay papalabas na ng pinto.

"Tiff okay kalang?"tanong ko sakanya pero parang wala siyang narinig,
"Tiff"saad ko at iwinagayway ang kamay ko dahilan para mabalik ang ulirat nito.

"Ah a-nu y-un Ki-yumi?"uutal utal niyang tanong, inilagay ko ang kamay ko sa leeg niya,

"maysakit kaba? ba't parang kakaiba ang kinikilos mo? simulan mong dumating ang limang transferre?"tanong ko,

"ah okay lang ako"saad niya tinusok ko naman ang tagiliran niya,
"yiee tinaman ka noh!"saad ko sakanya sabay tusok ng tagiliran niya,
"hindi no, may iniisip lang"saad niya,
"Mauna kana muna sa canteen, susunod nalang ako may aasikasuhin pa ako eh"dagdag pa niya, tumango naman ako at nagtungo na sa pinto, sinilip ko ulit si Tiff pero parang ang lalim ng iniisip niya,

bat parang kakaiba?

Diko nalang yun pinansin at dumiritso na ako sa canteen.

[1.0] "THE LONG LOST PRINCESS OF THE MAGICAL KINGDOM"Where stories live. Discover now