CHAPTER 7

526 17 0
                                    


Kiyumi POV
Nandito kami ni Tiff naka upo sa isang bench kumakain ng ice cream.
"Anong pinag-uusapan niyong anim kanina?"seryosong tanong nito,

"sila troy ba, madami lang"sagot ko sakanya. "Alam mo ba Tiff, parang kakaiba ang kilos Nila"saad ko sakanya,

"ganoon talaga sila" saad naman nito,
"huh?"takang saad ko.
"Ah wala-wala, ano pala mga pinag-usapan niyo?"

"Nakipag kaibigan lang sila saakin, at-at oo nga pala, ikwekwento ko pala sakanila ang fantasy story mo, mukhang intresado kasi sila"saad ko sakanya, tumingin naman ito saakin at kumunot ang noo nito.
"Anong fantast story?"
"Yung about sa magical Kingdom, sa nawawalang prinsesa"saad ko sakanya, tiningnan ko si Tiff nanlalakihan ang mga mata nito.

"Bat mo sinabi!!!!"parang inis na saad niya
"Alam mo bes, ang OA mo, parang fiction story lang!"saad ko sakanya.

"May-may sinabi ba silang pangalan o ano?!"tanong nito kaya't nag isip-isip ako,

ano nga ba?

"Oo meron, Sam yung kapatid daw ni Jace, mukhang nakita raw ni Kaizer kanina"saad ko at mas lalong nanlakihan ang mga mata ni Tiff,

bat parang gulat na gulat naman yata si Tiff.

"Tiff may nag aaral kaya rito na Sam ang pangalan?"tanong ko sakanya pero umiling iling lang ito at balisang balisa.

"ahh--ehh wa-la n-aman ah"uutal-utal niyang saad
"Ah ganoon ba, baka namalikmata nga si Kaizer"saad ko,

ang weird lang! di ako sanay na ganito si Tiff, weird na nga yung limang transferre pati ba naman si Tiff.

Kaizer POV
"Grabee ang lambot naman ng kamang to"saad ko habang nakahiga sa malambot na kama, nandito kami sa sinasabing condo, "kakaiba pala sa Mundo ng mga tao, akalain niyo pinagkamalan ko pang bulate ang spaghetti" saad naman ni Troy. Umupo na ako at isinandal ang likod ko ng maalala ko ang nakita ko kanina sa canteen,

"parang nakita ko talaga si Sam"saad ko kaya't napatingin sila saakin,
"tumigil kana nga Kaizer, namimiss ko tuloy si lil sis"suway ni Jace saakin.
"Totoo nga, nagulat nga ito ng Makita ako at kaagad itong nagtago sa pader"saad ko,
"baka namamalik mata kalang, "saad naman ni Ace,
"yan kasi, lagi mo kasing iniisip si Sam"saad naman ni Troy, hindi ko nalang sila pinansin, parang nakita ko talaga siya, nakauniform rin siya, pero baka namamalik mata lang ako.

"Guys sino kaya si Tiffany? Bat alam niya ang tungkol sa MK, sa ating Lima at sa nawawalang prinsesa?"tanong ni Ace,

"we need to know who's that Tiffany"saad naman ni Klenn.

" Oo tama si Klenn, baka mamaya ay kalaban pa Yun" pagsasang-ayon ko.

Nag usap-usap na kami kung paano namin mahahanap ang prinsesa, at sa pag iimbestiga sa nagngangalang Tiffany. Pagkatapos naming mag usap-usap ay humiga na kami at natulog na.

[1.0] "THE LONG LOST PRINCESS OF THE MAGICAL KINGDOM"Where stories live. Discover now