Extra Chapter 1.6

1K 46 2
                                    

Extra 1.6

1.6.1

Grabe naman nakakilig!!! Tili ni Granny.

Granny, baka mabingi na ako! Reklamo ni Brie

Hayaan mo na si granny. Masayang masaya lang ako. Tinalo pa nila ang declaration ni Jadine, Kathniel, Lizquen pati ni Derek at Ellen Adarna.

Granny.. sino si Derek at Ellen? Inosenteng tanong ni Brie.

Sila ung...wag mo na alamin apo.. ibahin ko na lang Vice-Ion na lang.

Mapapasana ol ka na lang sa kuya dadi at uncle mo.

1.6.2

Madam, handa na po ang lahat. Ready na po ang pagkain, balloons at poppers. Sabe ni kasambahay 1.

Good, good. Sagot ni granny sa mga kasambahay.

Madam, nakahanda na po ang banderitas sa labas. Pati ang speakers. Sabe ni Kasambahay 2.

Nice. Hala, disperse magbihis na kayo. We have a party tonight!! Sigaw ni madam.

1.6.3

Sabihin mo nga samin Kim, may pinagdadaanan ba kayo ng CEO? Break na ba kayo? Tanong ni Liza.

Sa pagkakaalam ko hindi pa. Sagot ko dito.

Baka naman LQ sila? Tanong ni Gladys.

Sa pagkakaalam ko, wala. Sagot ko ulit.

Baka naman punishment ito sayo? Tinanggalan ka ba ng sustento? Si Liza ulit.

Sa pagkakaalam ko, may trabaho at sumusweldo ako dito kaya di ko kelangan ng sustento. Sagot ko ulit.

Itong dalawang ito miyembro ng Maritess group.

E bat ganto? Sabe mo ililibre mo kami, hindi ito inexpect ko from the fiance/bf ng boss ko. Reklamo pa nito.

Wala naman ako sinabe ililibre ko kayo sa mamahaling restaurant eh. Sagot ko sa kanya.

Ilang araw na kasi ako ayaw tigilan ng mga ito ilibre sila. Icelebrate daw namin pagiging official couple namin. At eto na nga nilibre ko sila.

Anong masama jan? Masarap yan.

FYI Kim halos araw araw ito na sineserve dito sa canteen, eto rin papakain mo samin? 1 bilao pancit, 1 bilao spaghetti at chicken wings? Komento ni Gladys.

Masarap yan plus naka Starbucks coffee naman kayo e. Sabe ko.

Mas maganda pa ata nung di pa kayo ni Sir Clint, nakakain kami sa masarap. Hirit ulit ni Liza.

Hay nako.. wag na kayo mareklamo. Its the thought that counts, tignan mo si Baby, sarap na sarap. Sabi ni Ms. Ella.

Sabay sabay kami tumingin dito na walang tigil ang pagsubo.

Lagi naman ganyan kumain yan e. Anyways, thanks Kim, kain na.. sabi naman ni Randy.

Masaya ang kainan at kwentuhan namin sa canteen ng nagflash sa television ang balita tungkol kay Trixie.

Breaking news.

Suspect sa pagpapakalat ng viral video ng kasintahan ni Mr. Morell natukoy na. Patong patong na kaso ang isinampa ng sikat na Ceo laban sa dati nyang empleyado na si Trixie Hermosura. Lumalabas na may pagnanasa ito sa nasabing Ceo kaya nagawa ang paninirang ito.

Nanlaki ang mata ko sa napanood ko, ramdam na ramdam ko ang pagtingin ng lahat sken.

For sure sinabe sayo ni Sir ito diba? Bat di mo sinabe samin? Tanong ni Randy.

Huh? Oo naman, sinabe nya sken. Hahaha. Bakit naman nya ililihim ito. Natatawa ko sagot sa kanila kahit hindi naman talaga.

Sa palagay ko hindi sinabe. Bulong ni Gladys kay Liza. Bulong pero dinig ko.

Mukhang magkakaroon na nga ng LQ. komento ni Gladys.

Sarap sabunutan ng dalawa. Clint!! Bat di mo manlang sinabe sken. Yari ka sken.

AN:

Parang feeling ko waley kwenta itong extra na ito pero gusto ko pa rn ipost
😀😀✌️

The CEO and me (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon