Part 14

8.4K 284 13
                                    

Niko pov

Sira ulo lang itong kaibigan ko, sa sobrang tagal ba nya tigang e hindi nya malaman kung love o hindi??

Hay naku, nang marinig kong bumalik na si Kim, agad ako pumunta sa department nya nung lunch break. Medyo inexpect ko ng may da move na gagawin si Clint.

Bingo!!

Nakita ko si Kim na pasakay ng elevator, hinintay ko muna kung saan floor ito hihinto. Huminto ito sa top floor. CEO's office lang naman. Isa ako sa mga usisero dito sa office kaya pumunta rin ako, sinundan ko sya sa office ni Clint.

On lunch break si Liza kaya walang tao. Hindi na ako kumatok, dahan dahan ko lang binuksan ang pinto ng office ng makarating ako doon.

Wow parang eksena lang ni Bea at Ian Veneracion sa love to last ang mga titigan. Tipong nasa korean drama ung dalawa na may punas punas epek pa ng labi. Ang lapit na ng mukha ni Clint, unting tulak na lang at swak na sa labi ni Kim. Asan ba si Joey de leon para maitulak ang ulo nitong si CLint.

Ano kaya reaction ni Kim? hindi ko makita dahil nakatalikod ito saken.

Dahil mahadero ako, Inistorbo ko sila. Grabe lang makatingin si Clint parang sinusumpa na nya ako. Pati pag yakap at hawak ko sinasamaan nya ng tingin. Un ba ang hindi love??

Sa lahat ng CEO sya ang tanga. To think na naging madly in love na sya before. Bakit ngayon hindi nya marealize?

Ever since na dumating si Kim sa buhay nya ngumingiti na sya mag isa na parang nababaliw. Nagtame na rin ang galit nya sa mundo, kung dati hindi nya binabati ang mga empleyado nya ng good morning, good night e ngayon sumasagot na sya. Minsan nga napapatulala ang mga empleyado nya. Epic ang mga reaction hindi ko lang makuhanan ng picture.

Hindi pa ba love ang pagtulong nya kay Kim lalo na sa hospital bills? Malaking halaga un ha at kahit sa mga EX nya hindi nya nagawa un. Ni hindi nga sya naawa e..

Hindi pa ba love ang tawag sa sinusundan mo ng tingin si Kim lalabas lang ng pinto? ano ako invisible?

Hay naku friend kelan mo kaya marerealize ang feelings mo? baka mawala si Kim.

Eto ba ang paraan ng panliligaw mo? Tanong ko ng makalabas si kim.

Sino nanliligaw ! Ako? Kanino?

Ngiting aso ako sumagot. Kay kim.

Are you crazy?? His a guy! Boy! Straight!

Bigla akong natawa sa sinabe nya..kung alam nya lng ang totoo.

So?? E ano kung lalaki sya  e kung mahal mo? Seryoso ko ng tanong sa  kanya. Malakas ang pakiramdam ko gusto nya si kim. In denial lang sya,  dahil kahit sya confused kung bakit iba ang pagtingin nya ky Kim.

I... i... i .. dont okey. Sagot nito. Napansin ko ang pagbukas ng pinto. Shit si Kim bumalik.

Hindi ako magkakagusto sa kapwa ko lalake. Kakadiri un. I want a girl na pwede kong ipakilala sa lahat. Ung hindi itatago, ung hindi ako mapagtatawanan dahil pumatol ako sa kapwa ko lalaki. pagpapatuloy nito. Na syang nagpatigil naman sa paglalakad ni Kim.

O your so dead my friend.

Tama na yan pare. Pigil ko dito.

What?? You started it. Ilang beses ko sasabihin sayo naawa lang ako sa kanya at para hindi malungkot si Brie. Napatampal ako sa noo ko dahil ayaw pa rin nya tumigil sa kakadaldal.

E-ex..excuse me.. Nakalimutan ko kasi ung celphone ko. Kukunin ko lang. Okey speechless ang CEO.

Eto kim oh.. Nakita ko kanina, itinabe ko idadaan ko sana sayo maya e. Naunahan mo ako. hehehe.

ah ganun ba. Buti nga naiwan ko e, at least ngayon malinaw na saken. Sige mauna na ako. Mabilis itong lumabas ng office.

Tinignan ko si Clint na nakatulala pa rin.

Pano ako din babalik na sa trabaho. Tapik ko sa balikat nito. Hindi ka nga nanliligaw, ni wala ka nga gusto sa kanya. For sure hindi ka mabobother sa nangyari ngayon.

Bago ako tuluyan lumabas. Condolence sa puso mo pare.

shit!! Narinig ko pang sagot nito.

CLINT POV

WHAT KIND OF PROPOSAL IS THIS!!??  Sigaw ko sa sobrang inis.

Sa tingin nyo papasa ito ha?? Are you all using your brains?? tanong ko sa mga pulpol na subordinates ko. Sinasayang nila ang pinapasahod sa kanila.

Ayusin nyo yan!! hagis ko sa kanila ng folder. GO!!! mabilis na nagsitayuan ang mga ito at nag uunahan makalabas ng kwarto. Maliban sa isa. Hindi ko na kelangan ipaalam sa inyo kung sino.

WHat??! asik ko dito.

CHill lang pare. almost a week na yan pagkabadtrip mo ha hindi pa rin nawawala?? Bumalik na ang pagiging beast mo. Natatakot na naman ang mga empleyado mo.

Sumalampak ako sa upuan. Pwede ba wala ako sa mood to joke around.

Almost a week na ako di kinikibo ni Kim. OO sumasabay sya saken sa lunch, ginagawa pa rin nya ang pagiging vegetable picker nya. Pero hindi na katulad dati na maingay at nakikipagtalo sya, its so quiet kahit kasama ko sya.

Hindi nya ako kakausapin kapag di ko sya kakausapin. It drives me crazy.

Alam mo pare madali lang yan. Aminin mo na kasi sa sarili mo kung ano talaga ang nandito. Turo nya sa dibdib nya. Then you will know kung ano susunod mong gagawin.

Shut up!

Sir?

Yes liza?

About po sa Team building ng Finance department. Okey na po ang lahat except..

Except for what?

Hindi po makakasama si Kim sir, the reason is he has to attend daw po his nanay's needs. Magbabantay daw po sya sa ospital. Damn it!! may nurse at doktors doon! Un pa talaga dinahilan nya. Iniiwasan nya talaga ako. Fuck!

You may Go.  bumuntong hininga na lang ako.

Need help?? tanong ni Niko.

No. Kung ayaw nya wag nya.

ohhhhhh really.

Day of the trip

Sir hindi po ba kayo sasabay sa bus?? tanong saken ni Wally.

Hindi na. Ill bring my car. Btw di ko pa nakikita si Niko. Sumama ba sya?

Yes sir, nasa bus po sya kasama ni Kim.

WHAT!??

AN: Napahaba ata.. hiihii.. ito na ata ang pinakamabilis na update ko. Kakaupdate ko lang diba? haha.. tagalan ko ung next?

Sorry naman lage ko sinisingit ang love to last. Cute kasi ni Ian Veneracion hahaha.. boom..

Vote vote naman oh! :D

The CEO and me (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon