Part 4

10.7K 289 23
                                    

KIM/ANDREI POV

First 3 days ko sa work nahirapan talaga ako, hindi naman kasi ako sana'y magtrabaho. After work hapong hapo ako sa pagod dahil ayoko man e napipilitan ako mag overtime para makasabay.

buti na lang e matyaga saken itong si Gladys un nga lang masyadong madikit. Kung makadikit ng dibdib e wagas lang. Boobs nya lang talaga ang maipagmamalaki nya. 

Dahil din sa pag oovertime ko e hindi ko na maabutang gising si Brie pag dumadalaw ako sa ospital. Nag iiwan na lang ako note kay granny para di magtampo ang bata. 

Nang sa wakas maka pag day off naman ako, naisipan ko dumalaw ulit  sa ospital unfortunately nadischarge na si Brie. 

I know hindi ko na un responsibilidad but i don't know why we have this connection maybe because we're the same. I see myself sa batang un saka mahilig ako sa bata.

Monday at back to work ulit. Mga nagkakagulong empleyado ang naabutan ko.

Anong meron? tanong ko kay Gladys habang nagblush on.

Kung ang mga lalaki nag aayos ng desk, ang mga babae naman e busing naglalagay ng make up. Meron pa nga nagplantsa ng buhok.

Darating ang The beast. sabe nito nakinakunot ng noo ko sa pagtataka. 

The beast? 

Ang striktong CEO natin, ayaw nya ang maingay, magulo at makalat. At higit sa lahat ang favorite phrase nya ay..

You.are.fired.

ohhhh?? Sementeryo ba ito o library? bakit di pede mag ingay?? pilosopong tanong ko. Ang OA nman kasi ng CEO na un noh! 

Haysss.. wag ka na maraming tanong, ayusin mo na yang station mo. Tignan mo nga itsura oh? kalat kalat buti nakakatrabaho ka pa?? napatingin naman ako sa mesa ko.

Syempre naman, ganyan ang mga tunay na lalake makalat!! akbay saken ni Ralph. Napailing naman si Gladys sa turan nito.

Makalat nga as in, agad kong nilinis ang station ko, mamaya ako mapag initan e. Under probation pa rin ako  hindi pa talaga ako regular employee. Mamaya ng dahil lang sa kalat e matanggal pa ako dito. 

Ayan na sila! ayan na maghanda na kayo. Patakbong sabe samen ni Baby.

Si Baby ay isang bouncing baby girl, malaki at mestizang babaeng kasama ko sa finance team.

Welcome Mr. Morell bati ni Ms.Elle sa lalaking pumasok at ngayon ay nsa gitna at nakatingin lamang sa amin.

Lahat ng empleyado ay nakatayo sa 2 magkabilang gilid at naghihintay sa CEO.

Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko ang lalaking  dumating na akala mo si Moses na humati lang ng red sea para bigyan sya ng daan.

I need to confirm.

Ra-ralph sya ba ang ceo na sinasabe nyo?? Tanong ko dito.

Oo sya nga. Mr. Clint brent Morrell. CEO ng morrell corporation. Omg..  Ang tatay ng batang si brie ang boss ko. 

Fuck. ang gwapo nya talaga, marame naman na ako nakitang gwapo pero iba talaga ang dating nya. Shit! dont tell me may crush na talaga ako sa kanya.

Siya pala ang CEO nito to think na medyo sinungitan ko pa naman ito nung huli kame nagkita. Natampal ko sarili ko.

Yari na ako. Mukhang ang magulo ko ng buhay e magiging mas magulo pa

Good morning sir. sabay sabay nilang bati dito.Sinilip ko ulit ang boss namen. Hndi man lang bumabati, ngumiti o magpasalamat man lang. Suplado tlaga itong lalaking ito. Imbes na sumagot e ginala lang nya ang mga mata nya.

The CEO and me (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon