Part 2

13.4K 312 7
                                    

KIM/ANDREI POV

Tao po? Tao po..

Sandali.. sigaw ng isang babae mula sa loob ng bahay. At ng lumabas ito isang may edad na babae ang nabungaran ko.

Ano un iho? Sino kaba??

Manang kayo po ba si Nanay Eda? Tanong ko.

OO ako nga. Sino ka?

Ako po si Andrei, kaibigan po ni Vann.. pagpapakilala ko dito. 

Si Vann ang isa sa matalik ko kaibigan sa Palawan. Sya rin ang una kong hiningan ng tulong.

Ahh si Sir Vann, ikaw ba ung sinasabe nya makikitira muna dito??

Opo ganon na nga po.

Naku pasok pasok ka. Inihanda ko na ang kwarto mo, magpahinga ka na doon.

Iginiya ako ni Nanay eda sa kanyang bahay diniretso na ako sa magiging kwarto ko. Simple lang ang bahay nito pero maaliwalas, alaga sa linis.

Si nanay eda ang dating mayordoma nila Vann pero napilitan itong magresign dahil na rin sa nagkakaedad na ito at hindi na magawa ang duties nito. Sa tagal nang paglilingkod nya, itong bahay na ito ang ibinigay sa kanya. Biruin mo hindi na sya nakapag asawa o nagkaanak man lang kahit sa pagkadalaga dahil sa pag tatrabaho nya.

Ito ang magiging kwarto mo, magpahinga ka na. Kung may kelangan ka wag ka mahiya magsabe sken ha? Ako lang din naman mag isa dito, masaya ako kahit paano e may ibang mukha naman ako makikita.

Maraming maraming salamat po Nanay Eda.

Agad akong sumalampak sa kama ng umalis na si nanay at tinignan lang ang kisame. Sigurado ako galit na galit na sakin si Papa at ang Bitch na madrasta ko.

Wala naman ako talagang malaking ginawa, nag-ala Julia Roberts lang naman ako slash karate kid. Nag run away bride este groom lang naman ako. Dahil maraming nakaharang kaya inilabas ko ang pagiging karate kid ko. Hello! gaya ng sabe ko hindi ako bakla na malambot, lalaking lalaki pa rin naman ako un nga lang mas gusto ko lalake din.

Nang makalayo ako, agad akong dumiretsho sa airport at lumuwas papunta dito sa manila. Pasalamat ako kay Cardo na loyal saken. Siya naman ang butler namen sa bahay. Single din un at may edad na pero malakas pa. Pag may chance nga ipapakilala ko sya kay Nanay Eda, malay nyo may chance.

Baka nagtataka kayo bakit hindi sa hotel? I tried ako pa ba? Kaya lang pinaputol lahat ni papa ang credit cards ko pati atm ko ipinahold. Un naman ang hindi ko napaghandaan, 5k na lang ang pera ko sa wallet. Hayssss...

Vann, nandito na ako sa bahay ni Nanay Eda. Imporma ko ditto.

Buti tinawagan mo ako agad akala ko naligaw ka na e.

Ano na nangyari sa bahay? Tanong ko ditto,

Dude, galit na galit ang papa mo. Ang lahat ng tauhan nyo sa bahay ay binalaan na hindi ka papasukin pag bumalik ka. Hindi ka rin pede tulungan dahil malalagot sila.

E si Cindy??

Ano pa ba inaasahan mo? Galit din mas lalo na ang parents nya. Ang lake ng gulong ginawa mo, ang daming importanteng tao nung kasal mo. Bilib ako sayo don mo pa naisipan mag run away bride.

Un lang ang tanging naisip ko pare, wala na ako ibang choice. Malungkot kung sabe ditto. Kahit ganto naman ako na-guilty pa rin naman ako sa ginawa ko pero freedom at pagkatao ko pinaglalaban ko.

Alam ko Dude, nga pala binalaan na ako ng dad ko to not help you in anyway. Lahat ng boardmembers and executives binalaan na rin ng Papa mo. Mukhang iipitin ka nya para ikaw na mismo ang bumalik.

The CEO and me (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon