Kabanata 15

183K 4.9K 1.6K
                                    

Kabanata 15

Law

"LUZON. Stop crying."

Nagmamadali akong bumaba at naglakad papunta sa kusina nang narinig ko ang pag-iyak ng aking anak. I could even hear Lazarus' strict voice, telling Zon to stop crying.

Naabutan ko silang dalawa malapit sa dining table. Heavy tears were streaming down my son's cute face as he was looking up at his father.

"S-Sorry po, Daddy. . ." Humihikbing paghingi nito ng tawad saka siya yumuko. Gamit ang maliit niyang kamay, he tried to wipe the tears off his tearstained face.

"Ano'ng nangyari?" tanong ko nang lumipat ang kalmadong tingin ni Lazarus sa akin.

When Luzon heard my voice, he promptly ran towards me and wrapped his little arms around my waist as he buried his wet face against my flat stomach. I could feel how he gently rubbed his cheek on the soft fabric of my clothes like he was not contented to wipe his tears using his small hands.

"Baby, why are you crying, hm?" Malambing kong tanong dito habang sinusuklay ang aking mga daliri sa kaniyang buhok na bagong gupit at hairstyle. I tried to look at his face, pero mas idinikit niya lang ito sa tiyan ko.

I missed his shoulder length hair.

"He accidentally spilled the coffee on my laptop."

Diretso ang aking paningin sa laptop na nakapatong sa dining table at nakita ang isang tasa sa gilid nito, nakatagilid na. Wala nang laman 'yong tasa dahil lahat ng kape nito ay nasa keyboard na ng laptop. Sa ilalim naman ng mesa ay may Spiderman na laruan na parang nahulog yata ng anak ko.

"Ano'ng ginawa mo sa bata at bakit umiyak?" Puno ng akusasyon ang aking boses nang siya'y kinausap ko.

I looked straight at his calm eyes. Hindi ko naman narinig kanina na sinigawan niya 'yong bata pero hindi naman siguro iiyak si Zon kung wala siyang ginawa.

"Tinitigan ko lang." His calm voice seemed really concerned as he glanced at the crying child holding tight on my waist.

"Tinakot mo?" Umangat ang isang kilay ko nang sinabi ko 'yon.

Kailangan kong maging kalmado sa sitwasyong 'to. Baka matakot din ang anak ko kapag sinigawan ko si Lazarus.

"Fine, I scolded him because he was disturbing me," pagbawi nito sa sinabi.

"He's just five years old, Lazarus. Puwede ba'ng huwag mo'ng ituon ang init ng ulo mo sa bata?" sabi ko habang hindi ko inaalis ang masamang tingin sa kaniya. I rubbed my palm against Luzon's back to hush him from sobbing and crying. Mas lalo niya lang idinikit ang kaniyang mukha sa tiyan ko.

"He needs to learn, Calista." Parang nangungumbinsi ang kaniyang boses. His baritone voice was low and trying to be careful of what to say.

"Bata lang siya, Lazarus. Ang iniisip niya lang ay ang maglaro, hindi mo ba narasanan 'yon?" pangangatuwiran ko.

"I am disciplining my son."

That made me silent.

Discipline. That's the word and I had forgotten, and that his family were not just a simple family. They hold power and connections through money. They should have a clean record of profile and yet they wee doing bad activities discreetly. The good works that they did was more noticeable than the bad works.

"I don't want us to fight in front of my son, Calista. Continue what you're doing upstairs," he announced it with finalization swirling in his voice, interrupting my thoughts.

Wala akong ibang choice dahil tama rin naman siya. Ayaw ko ring makipagsagutan sa kaniya sa harap ng bata.

Binuhat ko ang anak ko at kumapit naman ito sa leeg ko saka niya isiniksik ang kaniyang mukha sa sulok na bahagi ng leeg ko.

The Billionaire's Hidden Son (Cavanaugh #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon