01: Family First - Prologue

24 0 0
                                    

Kamusta, ako si Natalie. Isang typical na graduating high school student at hindi alam ang gagawin sa aking buhay. Pero alam ko sa sarili ko na ako ay isang strong and independent woman.

Hindi ko ngayon alam kung anong strand ng senior highschool ang kukunin ko. Baka ma stress lang ako diyan. Pero feeling ko wala akong ginagawa sa buhay sa ngayon. Kaya isang bagay lang ang natatangi kong gawin... Lumandi!

Ako ay kabilang sa gang ng NBSB, No Boyfriend Since Birth. Palaging sinasabi ng mga magulang ko na "Huwag kang mag-jowa ha!" At palagi ko itong naririnig hanggang naging labing pitong gulang na ako.

Sa ngayon, hindi ko pa alam kung handa na akong magkaroon ng jowa o kaya'y magkaroon ng isang relationship. Pero wala namang masama na sumubok diba? Try ko lang. Kapag gusto ko ang lalake, susubukan kong maging committed, pero kapag hindi, tapusin ko na lang.

Ang problema ko lang ay, Sino? Saan? Sa papaanong paraan?

Hindi ko pa alam lumandi! Paano iyan?

Sa mga marurupok, pa-help naman diyan!

Kailangan ko muna matutong lumandi para makamingwit ng isda sa napakalawak na katubigan.

Hindi naman ito magiging mahirap diba?

Tanga!Where stories live. Discover now