Pag-ibig ba ito? - Chapter 01

4 0 0
                                    

Inosente.

Malaya.

Ganyan kami palagi. Simula noong naging magkaibigan kami ni Miko, ako ay nabuhayan muli. Hindi naman sa sinasabi ko na dead inside ako dati.

Siya ang tipong napakamasayahing pero mahiyain rin. Palagi kaming magkasama tuwing lumalabas kami at sabay rin kami ng eskwelahan na pinapasukan.

Hinikayat niya ako na mag-aral sa kaparehong eskwelahan kung saan siya nag-aaral sa rason na para lagi kaming magkita pagkatapos ng pasukan.

Nagtagal ang pagkakaibigan namin ng anim na taon. At masasabi ko na marami na kaming pinagsamahan. At masasabi ko rin na may nararamdaman ako patungo ka Miko.

Alam ko na hindi ko maitatanggi ang pakiramdam na ito, pero ayaw kong aminin ito sa kanya dahil natatakot ako na masira ang pagkakaibigan namin.

Agad kong pinigilan ang sarili ko dahil ang pagkakaalam ko ay hindi ito normal. Hindi naman ako gay o bisexual, pero may nararamdaman ako ng pagibig sa aking puso.

At noong nagsimula akong makaramdam nito, ay agad muna akong dumistansya kay Miko. Alam kong magagalit o masasaktan siya sa ginawa ko pero kailangan ko rin ng panahon upang mag-isip-isip.

Matagal kong dumistansya sa kanya at pakiramdam ko ay hindi na niya ako kinakausap tulad ng dati. Nagusap kami sa Messenger pero hanggang usapang eskwelahan lang.

Nagiging malamig na siya sa akin at iniiwasan niya ako tuwing naglalaro kami ng basketball kasama ng mga kaibigan namin.

Sa simula, hindi ko ito tinugunan ng pansin dahil iniisip ko na baka may nakilala siyang bagong kaibigan at sila ang palagi niyang kasama.

Pero habang tumatagal ay palayo na ng palayo ang distansya niya sa akin. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang kahinatnan ng aking mga ginawa.

Baka nga nararapat lang ito sa akin. Iniwasan ko siya, at iniwasan niya rin ako.

-Miko

Ito ang unang ni-chat ko sa kanya.

Kinakabahan ako dahil matagal ko nang hindi siya kinakausap at natatakot ako na baka hindi niya ako sagutin.

-Bakit?

Nakita ko ang reply niya.

-Balak magbakasyon kami ng barkada ko. Gusto mo bang sumama?

Naghintay ako ng reply niya.

Naghintay ako ng ilang minuto. Sa bawat oras na hindi niya sinasagot ay unti-unting na akong nakukumbinsi na hindi na niya ako kakausapin kahit kailan.

-Sige.

Nagulat ako.

Biglang lumiwanag ang mukha ko. Sa wakas.

Nawala na ang aking pagkatakot. Kahit sige lang ang reply niya sa akin ay malaking bagay ito. Inaasahan ko na sa pagkakataong magkasama na kami ulit at masabi ko na ang aking tunay na nararamdaman.

-Ayos. Sa Lunes na tayo aalis.

Reply ko sa kanya.

-Sige. Salamat sa invitation.

Napangiti na lang ako. Nagkaroon muli ako nang pag-asa.

Inaasahan ko na maipapaliwanag ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako dumistansya sa kanya noon. At ba makahingi ng patawad dahil sa aking ginawa.

Dumating na ang araw. Palagi akong kinakabahan dahil baka hindi siya susulpot, pero pinanindigan niya ang sinabi niya.

Matagal ang biyahe pero sa wakas ay nakarating na kami sa destinasyon namin. Isang beach kung saan walang ibang bagay na pumapalibot sa amin kundi tubig at buhangin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tanga!Where stories live. Discover now