02: Pag-ibig ba ito? - Prologue

2 0 0
                                    

Marami man ang nagsasabi na balang araw ay darating ang "The One" ng ating buhay. At ako naman, bilang isang tao na nasasaktan at nagkakamali rin, ay pinaniwalaan ko.

Hindi ko naman inaasahan na dadating siya kinabukasan, o kaya'y sa susunod na linggo, o sa susunod na buwan. Pero kapag nandiyan na siya, Ano ang gagawin mo?

Iyan ang tanong na palaging bumabagabag sa akin.

Hi! Ako si Felix, dalawampung taon gulang na nagtataka parin kung bakit hindi pa alam kung ano ang gagawin sa mundo.

Hindi naman sa wala akong ambag sa lipunan pero parang ganoon na din ang tingin ko sa sarili ko. Sa edad kong ito ay nagtataka ang mga magulang ko kung bakit wala pa akong sinusuyo.

Ako nga din, hindi ko alam kung bakit.

Karamihan sa mga ka-edad ko ay may karelasyon, nag-aaral, o nagtatrabaho na, at ako naman, walang ginagawa sa mga nabanggit.

Pero alam ko na masaya ako. Masaya ako dahil independent ako, masaya ako na walang nagsasabi sa akin na hindi ako pwede makipagkita sa mga kaibigan ko, at walang nakikihati sa oras ko.

Hanggang.

Tulad sa mga typical na kwento na palaging pinapanood ng marami. May nakilala akong isang lalake na nakalaro ko sa basketball ng isang araw, si Miko.

Ang unang pagtingin ko sa kanya ay isang binatang magaling maglaro. Wala akong nararamdaman noong panahon na iyon. Hanggang sa unti-unting naguusap kami pagkatapos maglaro. Doon ko na mas nakilala ang tunay na pagkatao niya.

Nalaman ko na sa kabilang eskinita siya nakatira. At noong nalaman ko iyon, ay karaniwan na kaming nagkikita.

Palagi ko siyang iniimbitahan na maglaro, at palagi niya naman akong pinapasok sa bahay nila. Mabait ang mga magulang niya. Tila bang isang anak na ang turing nila sa akin. At tila bang kapatid na ang turing ko sa kanya.

At mula noon ay unti-unting nabuo ang pagkakaibigan namin.

At doon na rin nagsimula ang aking pagkahulog sa kanya.

*Author's note

Ito na naman ang bagong kwento ko sa inyo. Sana ay mag enjoy kayo sa pagbabasa.

Sumasaiyo,
Clyde Harley

Tanga!Where stories live. Discover now