Family First - Chapter 02

8 0 0
                                    

Hi! Si Natalie ulit. Maaaring nagtataka ikaw kung bakit ganoon nag tapos ang first chapter. Well, first of all, maghintay ka k? Ikukwento ko rin ang lahat.

Ako nga ay nahulog sa isang lalakeng nagngangalang Gino. Palagi kong kinakamusta siya, at palagi niya rin akong binabati tuwing umaga, tanghali, hapon, at gabi.

Oh diba! dedicated si kuya.

Masasabi ko naman na maayos ang love life namin. Hindi ko naman kinakalimutan ang studies ko, si Peter at ang pamilya ko of course. Priority ko ang aking pag-aaral dahil ito ang mas importante para sa akin.

For a long time, wala masyadong naging problema kami nila Gino. Sure, may kaunting hindi pagkakaintindihan pero masaya naman kami. Very open kami sa isa't-isa at palagi naming sinusuportahan ang mga pangarap namin.

Two weeks after sinagot ko si Gino ay ipinakilala ko siya sa mga magulang ko. To be honest, mas kabado pa ako noong time na iyon kaysa nang time na nakipagkita ako kay Gino.

Ang una kong iniisip ay hindi sila papayag dahil nag-iisa nila akong anak at ayaw nila na ma-inlove ako ng napakaaga. Pero, sa surprise ko ay pumayag sila.

Nagsimula nang tawagin ni Gino sila mama at papa ng tito at tita. At tinuring naman nila mama na parang anak na rin nila si Gino.

Maging masaya kami, for a time.

And it all changed when the fire nation attacked. Joke lang!

Naging mag-jowa kami for three years at masasabi ko na acceptable naman ang tagal na iyon, given the fact na may mga mag-jowa lang sila ng isang buwan, o apat, o kaya'y anim.

Nangyari ito noong bagong taon. Nag-greet ako sa kanya ng bagong taon sa Messenger tapos ni seen nya lang. Agad ko naman itong binalewala dahil ang nasa isip ko ay baka busy lang siya.

At ng mga sumunod na araw ay walang nagbago. Binati ko sya ng usual na goodmorning, at goodevening. Lahat nang iyon ay either na ni seen niya lang o nag thumbs up siya.

Hindi ko na siya nakakasabay na pumasok sa school tulad ng dati. Ang unang nakapansin ay si Peter. Pero palagi pa ring dinepensahan si Gino na baka late lang siya. Pero nakakapagod nang magtanong. Napapagod na akong palaging depensahan siya.

Unti-unting nang nasasaktan ako dahil palagi kong iniisip na, ano kaya ibig sabihin nito? Ano ang gusto niyang sabihin? Ang mga tanong na ito ay paulit-ulit na gumugulo sa utak ko.

At dumating ang isang araw na nagmessage siya sa akin.

Muling nagpakita ang chathead niya sa screen ng cellphone ko habang nanonood ako ng isang teleserye.

-Nat, pwede ba tayong mag usap ng harapan?

Ang nakita kong message. Hindi ko alam kung bakit ako desperadong mag message back sa kanya. Mas mabilis pa yata sa alas tres ang response ko.

-Ok, sa dating lugar. Ang ni reply ko.

Nababalot na nang isang daang tanong ang utak ko. Nahihilo, nagagalit, naiiyak, at nagtatanong.

-Sige, c you mamayang hapon. Ang last na message niya sa akin.

-Ok.

At iyan ang huling message ko sa kanya. Hindi na muli kami mag-uusap at magkita pagkatapos.

Napaaga akong pumunta sa park sa harapan ng food court. Ang lugar kung saan una kaming nagusap ng matino. Ang lugar na may significance sa love life ko. Napakasakit. Agad ko nang hinanda ang sarili ko.

Hinintay ko siya, hindi pa siya dumating.

Naghintay ako ng dalawa pang oras, hindi pa siya dumating.

Unti-unting nawawala na ako sa sarili ko. Parang nababaliw na ako. Ngunit may kaunting pag-asa pa ang natitira sa puso ko. Kaunti na lang. Kasing laki ng butil ng alikabok.

Tanga!Where stories live. Discover now