Family First - Chapter 1

22 0 0
                                    

"So, gusto mong lumandi" sinabi sa aking ng kaibigan kong si Peter.

"Ganon na ako ka desperada" sagot ko naman sa kanya.

Ito na! I'm taking the risk at mag-jowa. First time ito para sa akin at hindi pa ako prepared. Kaya ako dumulog sa aking expertong kaibigang si Peter.

Si Peter ay isang kaibigan na nakilala ko noong kami ay elementary pa. Siya ang taong palagi kong pinupuntahan tuwing ako ay may pinagdadaanan sa aking magulo at mala horror train na buhay.

"Beh, mag reto ka nga sa akin" sinabi ko na hindi ko iniisip.

Lintik sana pinag-isipan ko ito ng mabuti

Binunot  ni Peter ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang Levi brand na pantalon.

"Teh, basta promise mo sa akin na huwag kang susugod sa bahay namin ng alas dos ng madaling umaga kapag nag break-up kayo" sumbat nya sa akin habang nag-iiscroll sa cellphone niya ng "suitable bachelor"

"Ito, friend ko siya, sa kabilang kanto lang yung bahay nila" sabay pakita niya sa akin ang picture ng lalake.

"Bakit parang myembro siya ng fraternity?" Tanong ko.

"Che! Choosy ka girl. Binibigyan ka na nga lang ng  chance ayaw mo pa" sumbat ni Peter sa akin sabay naghahanap ng bagong bachelor.

Sosyal. Bachelor pa daw. Ganda ka ghowrl.

"Gusto ko naman yung presentable na ipakita kila mama. Kilala mo naman sila" sabi ko.

"Oo, oo, alam ko. Oh eto" inabot niya ang cellphone niya sa akin.

"Ka basketball yan ni kuya" sabi nya sa akin.

Napataas ko ang brightness dahil ang picture na pinakita niya sa akin. Isang lalakeng pawis at hawak ang bola sa kanan niyang kamay habang ka akbay ang barkada niya.

"Animal ka!" Sabay batok kay Peter.

"Bakit ganito! Bakit ganito po akita mo na pic niya" sabi ko.

"Aray teh ha! Pwede namang kalabit diba!" Sabi niya at kinuha ang cellphone sa kamay ko.

Sa ngayon, pakiramdam ko na desperadong desperado ako. Sa totoo lang, baka wrong idea itong ginagawa ko. Hindi ako confident, hindi ako confident kahit kailan.

"Ano bang hinahanap mo? May abs? Gwapo ba? Dapat ba matangkad? Single ba? Virgin pa ba? Ano sagot!" Sunod-sunod na tanong sa akin.

"Shyet ka hindi naman lahat yan hinahanap ko" sabi sa kanya.

"Echoserang!" Sabay snub nya sa akin.

Wow drama queen. Echos.

"Alis na tayo gutom na ako" kinuha nya ang bag niya at tumayo. Sumabay naman ako sa kanya.

"Libre mo ah!" Sabat niya.

"Wala akong pera bakla" sagot ko.

"Ew, so poor. I don't know you anymore" sabi niya na may American rich, brat, spoiled, kid accent.

"Arte mo, parang nililibre mo naman din ako" sagot ko at ngumiti na lang siya.

"Ok ,ok ako na. Kawawa ka naman wala ka kasing pera"

Yabang. Daming baon

Dumaan kami sa park at may nakita kaming nagtitinda ng fishball. Agad ko namang hinila ang kamay ni Peter papunta doon sa karitela ng nagtitinda ng fishball.

Kumuha kami ng tig benteng baso at kanya-kanyang stick. Kasalukuyan kaming tumutusok ng fish ball nang may narinig akong boses na agad kumuha nga atensyon ko.

Tanga!Where stories live. Discover now